Ito na ang Titulo


Isa sa pinakamahirap na gawin sa buhay

Ay ang pumili kung magpapatuloy pa o titigil na

Magpatuloy na umibig sa taong wala na

Magpatuloy na tuparin ang pangarap kahit sobrang hirap na

Magpatuloy sa buhay kahit minsan hindi na alam kung saan ang punta

 

Madalas tayong naghihintay sa bagay o tao na hindi naman sigurado kung darating nga o darating pa

Naghihintay  na sambitin sayo na patawad kung nasaktan ka at naghihintay ng tamang oras na humingi ng tawad kung nakasakit ka

 

Nakakalimutang mabuhay sa kasalukuyan

Dahil iniisip kung ano ang magiging kinabukasan

Napapabayaan ang mga bagay na nasa harap na

Dahil ang tinitingnan ay mga bagay na wala pa

 

Minsan pinipilit alamin ang lahat ng bagay

Kahit hindi naman na kayang abutin pa

Minsan pinipilit pumasok ulit sa buhay ng iba

Kahit  sila mismo’y ayaw na nila

 

Ayos lang naman sana ang subukan

Hindi naman mahalaga kung hindi magtagumpay

Huwag lang sanang makakalimutan

Na ang paghihintay ay may hangganan din naman

 

Bago ibigay ang sarili sa iba

Siguraduhin munang sarili mo ay kumpleto na

Baka kasi nagbibigay ka

Sarili mo pala’y nasisimot na

 

Mahalin muna ang sarili bago mahalin ang iba

Baka kasi pag minahal ka ngunit kulang ka

Isipin mong ang pagmamahal nila ay sobra-sobra na

Baka hindi mo makaya at bumigay ka

 

At kapag naman nagmahal ka

Siguraduhin munang handa ka

Ang pag-ibig at relasyon ay maraming sorpresa

Katumbas ng bilang ng saya at problema

 

Ang pag-ibig, hindi sapat na sabihing mahal mo o mahal ka

Hindi ito mararamdaman kung sa gawa ay hindi mo maipakita

Ang pag-ibig, hindi sapat na sabihing kasintahan mo na

Kung sa pagsisikap at oras naman ay nagkukulang ka

 

Ang pag-ibig ay hindi basta-basta

Hindi ito isang laro

Hindi ito ang sitwasyon para baguhin ang isang tao

Bagkus isang mahalagang biyaya kung saan ang dalawang tao

Gaano man kahirap makasama ang isat-isa

Kayang magsakripisyo para sa ikabubuti ng bawat isa

 

Sa pag-ibig may tumatagal talaga

Mayroon din namang pansamantala lang pala

Hindi mo alam, sa isang iglap ay wala na

Kaya sana pahalagahan ang bawat minuto na kasama siya

 

Sa pag-ibig may kumakapit at may bumibitaw talaga

Pero kung kakapit ka, siguraduhin mong nakakapit rin siya

Baka kasi ikaw nakakapit pa, siya pala ay bumibitiw na

Matutong ilugar ang sarili sa buhay ng iba

Baka kasi ang pagpapahalaga mo ay sobra na

Sa kanya pala ay wala ka lang kwenta

 

 

 

 

 

 

 

 

Should I?


I know how difficult it is to be with someone like me, someone so unpredictable, straightforward, bipolar, undefined, and inconsistent, just like a medication that can make you so high and at the same time can make you so down. Thank you for being with me even if sometimes I am already pushing you out of my way. Salamat kasi kahit minsan binibitiwan kita, ikaw yung mahigpit pa rin na kumakapit sa akin para hindi ako makawala kasi alam mong nadala lang ako ng sobrang emosyon ko.

12476698_10206154221116611_1108523548_o.jpg

I love you!

That is maybe because you really do understand how weak I am so you’re not letting me depart from you. The brainy kind of kid yet foolish. The nice one yet snotty. The independent, the smart-aleck, the too much of something that others cannot handle. Thank you for being my friend even if sometimes I am thinking that I don’t deserve you, I don’t deserve someone who is so patient with me, someone who can control my uncontrollable personality, my overpowering attitude, my domineering viewpoints, my desire to have a jurisdiction of the whole thing. Thank you for loving me so unconditionally. Thank you for being with me especially in times of my inconveniences and my brokenness. Thank you for trusting me and for believing that I can do anything with my uniqueness and capabilities. Thank you for lifting up my confidence. Thank you for telling me my senselessness, my craziness and all. Thank you for saying you’re sorry even if it is actually I who should tell you “I’M SORRY”.

Ang ganda ng picture. Sana lagi ka lang nasa unahan ko para bantayan ako, para tingnan ako, para protektahan ako lalo na ang puso ko, that’s the best thing na gusto kong ginagawa mo kasi alam mong kaya kong gawin ang kahit ano maliban sa pag-aalaga sa sarili ko. Stay with me…ALWAYS..ALWAYS… I am already satisfied with my life now, basta be with me always.

May tanong lang ako: Should I forgive those who do not ask for forgiveness? Who don’t even realize his faults? Should I ask him to tell me he’s sorry for doing nothing? For verbalizing nothing? Or just accept that he is actually NOTHING? Or is it for him I am just NOTHING?

Saan nga ba matatagpuan ang Hustisya?


Naalala ko sabi ng isa sa mga magagaling na professors sa Law School noong first year ako, “Kapag magbabasa ka ng anumang artikulo huwag mong hayaang pipindot ka lang ng “Like” button, kahit papaano ay magbigay ka rin ng komento at magbigay ng tamang argumento.” (not verbatim, but certainly general)

For the decision allowing Grace Poe to run for President.
Where is the supremacy of the Law of the Land?

Reminder Supreme Court:
CONSTITUTION is the SUPREME ( or fundamental) LAW OF THE LAND.
In case nakalimutan nyo po o kinalimutan man. Kung anuman po ang dahilan, kayo na ang nakakaalam.

Lima lamang naman po ang kwalipikasyon sa pagka-Presidente, to wit:
1. NATURAL BORN CITIZEN OF THE PHILIPPINES
2. At least forty (40) years of age on the day of the election
3. Registered voter
4. Able to read and write
5. RESIDENT OF THE PHILIPPINES FOR AT LEAST TEN (10) YEARS immediately preceding such election.
(CONST. Art. VII, Sec. 2)

Sa aking palagay ay hindi naman po ganun kahirap itong maunawaan. Wala rin naman po akong makitang malabo sa mga kwalipikasyong nakasaad O baka naman masyado na ang katalinuhan kaya liko-liko na ang kakayahang umunawa ng mga bagay-bagay. Laging binibigkas noon ng professor ko sa Constitutional Law I and II that we are a NATION OF LAWS, NOT OF MEN. Hindi nakadepende sa kagustuhan lamang ng iilang tao ang kinabukasan ng libu-libong Pilipino.

Kayo pong nag-aral ng ilang taon para malaman ang batas, kayong mas higit na nakakaalam ng batas, sana naman po kayo ang unang tumatalima sa mga nakasulat. Sapagkat kung kayo po mismo ang isa sa mga bumabalewala nito, paano pa kaya o paano na lang kaya ang mga pangkaraniwang tao na wala man lang ideya kung ano nga ba ang nakatala sa Konstitusyon ng bansa. Huwag naman po sana nating isipin kung ano lang ang pansamantalang makabubuti sa ating henerasyon ngayon bagkus, isipin at itatak sa utak na ang bawat desisyong inyong ginagawa sa Kataas-taasang Hukuman ay magiging panghabang buhay na nakatala sa kasaysayan ng ating bansa.

Ako po ay Pilipino, a Natural Born citizen of the Philippines at residente nang mahigit dalawamput-anim na taon, a registered voter and able to read and write. Hindi ako ang tipong tumatalikod sa pagka-Pilipino at babalik kung kailan ko gusto at tatakbo sa pusisyong gusto ko dala ng emosyon at pagkilala ng ibang tao. Ako ay Pilipino at Mahal ko ang Pilipinas.

%d bloggers like this: