THE POPE (Ang Santo Papa) with Abp. Socrates Villegas


Q: The Pope as the highest spiritual leader of the Catholic Church, ano po ang kahulugan nito?

Yung pagkaunawa natin sa pinakmataas na leader ay iba sa pagkaunawa sa pinakamataas na leader para sa kaharian ng Diyos, sapagkat sa ating lipunan, sa ating mundo, ang pinakamtaas ay yung pinakamakapangyarihan, ang pinakamataas ay yung pinakasikat pero sa kaharian ng Diyos ang pinakamataas ay yung yumuyuko para hugasan ang paa ng kanyang mga kaibigan.

Bakit siya ang pinakamataas? Sapagkat siya ang lingkod ng lahat.

Ang kahrian ng Diyos ay kabaligtaran ng kaharian ng tao kaya ang pinakamahalagang taguri sa Papa ay “Servus, Servorum Dei”, latin yun na ang ibig sabihin, “Servant of the Servants of God.” Ibig sabihin pinakamababa siya sa lahat ng mababa at dahil sa kanyang pagpapakumbaba ay itinataas siya ng Diyos at binibigyan siya ng kapangyarihan. Sa ating simbahan ang kababaang loob ang tunay na kapangyarihan at ang sinumang pinapababa ang kanyang sarili at nag mamalasakit at naglilingkod sa kanyang kapwa, siya ang pinakmahalaga sa kaharian ng Diyos.

Kapag tinagurian natin ang papa na “Servus, Servorum Dei”, ‘Servant of the Servants of God”, minsan  tinatawag din natin siyang  “Supreme Pontiff”, ang ibig sabihin ng  “Supreme” ay “Pinakmataas” pero ang “Pontiff” ay galling sa “Pontifex”, ang ibig sabihin noon ay “Bridge Maker”.

Ang Santo Papa ay sinasabing” Pontifex”, ibig sabihin siya ay “Bridge Maker”, ibig sabihin  siya ang yumayakap sa lahat at pinag-uugnay niya ang lahat sapagkat ang pamamaraan ng diyos ay pamamaraan ng pagkakaisa. Ang sinumang sumisira sa pagkakaisa ay hindi maaaring tawaging makadiyos, sapagkat ang kalooban ng Diyos para sa atin ay lahat ay magkaisa.

“That all may be one”, dahil that all may be one ay panalangin ng panginoon sa huling hapunan, that all may be one din ang panalangin ng Santo Papa.

Q: Why should we look forward the visit of the Pope in the Philippines?

Si Pope Francis ay galing sa Argentina, na-elect siya bilang Santo Papa, magtatatlong taon na, tingnan mo ilang beses nang umalis si Pope Francis sa Italya. Isipin mo na sa daliri ng ating kamay mapapabilang ang Pilipinas dun sa mga unang bansang dinalaw ni Pope Francis simula ng siya ay maging santo papa. Di ba karangalan yun?

Ang mahalaga ay iisa ang Pilipinas  at iisa ang Pilipino. Ang dalaw sa Manila ay dalaw sa buong Pilipinas. Ang dalaw sa Tacloban ay dalaw sa buong Pilipinas sapagkat ang dalaw na ito ay dalaw para sa buong Pilipino

Si Pope Francis ay successor of St. Peter, ibig sabihin siya ang nagtutuloy ng misyon ni San Pedro na tinanggap niya mula sa ating Panginoong Hesukristo at ang sabi sa kanya ng Panginoon, “You Peter, and upon this rock, I will build my church”.

Daladala niya yun pero si Pope Francis ay hindi darating sa atin bilang isang bato, darating siya bilang isang lingkod. Bato na magbubuklod sa atin pero lingkod na magyayaya sa atin na ipakita natin ang ating pagkakaisa, hindi lamang sa pamamagitan ng isang sumasampalataya ako kundi sa pamamagitan ng isang paglilingkod at pagmamalasakit. One Faith, One Love. One Life.

Q: Nabanggit nyo po kanina na ang pagdalaw po na ito ay pagdalaw po para po sa buong Pilipino. Tatlong bagay po: Ano po ang kahalagahan ng pagbisitang ito, Una para sa mga ordinaryong Pilipino po. Pangalawa, para sa mga mahihirap na tao at pangatlo po ay para sa mga nasalanata ng bagyong Yolanda, nawalan ng bahay, ng kabuhayan at sa mga nawawalan po ng Pag-asa?

Una, gusto kong sabihin na walang ordinaryong Pilipino sapagkat lahat ng Pilipino ay dakila kaya nga sinasabi natin, Bayang Magiliw, Lupang Hinirang. Pinagpala tayo, Pueblo Amante De Maria sapagkat lahat ng Pilipino, blessed by God at ang ating pagiging Pilipino ay biyaya ng diyos para sa atin. Ito ay unang pagdalaw sa atin ni Pope Francis at pangatlong Santo Papa na dadalaw sa atin, si Pope Paul VI, si St. John Paul II at ngayon si Pope Francis, at palaging sinasabi ng Santo Papa na ang Pilipinas ay Ilaw ng panginoon sa Asya, T”he light of the Lord for the rest of Asia” at natitiyak ko na pagdating dito ni Pope Francis, uulit ulitin niya para sa ating mga Pilipino ang ating pananagutan.

Mag pa-Five hundred years na tayo, limang daang taon na tayong kristyano pero kung limang daan na tayong kristyano at tayo pa lang ang kristyano dito sa Asya baka hindi na dapat ito ipagparangal baka dapat ay suriin na natin ang ating sarili, sabihin na “Bakit hanggang ngayon tayo pa rin?” Bakit hanggang ngayon ay ipinagmamalaki natin na tayo ang kaisa-isang kristyanong bansa dito sa ating region? We must share the faith. So yung pagdalaw ni Pope Francis ay paghamon sa ating status quo.

Si Pope  Francis ay dadalaw dito sa Pilipinas dahil sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, ibig sabihin daladala niya sa kanyang kamay, daladala niya sa kanyang pagpapala ang dalawang salita, “Mercy and Compassion”, pero ang tunay na mensahe ni Pope Francis ay ito, hindi lang siya magdadala ng mercy and compassion. Sana pagdating niya at pag alis niya, dumami ang lahat ng tao na magsasabuhay, magbabahagi ng awa at habag.

Ang awa ng diyos ay hindi lang basta tinatanggap, ang awa ng diyos ibinabahagi at kapag ang awa ng diyos ibinahagi natin, nagiging double at triple ang awa na tinanggap natin because at the sunset of our lives, the lord is not going to ask us “Did you become rich? Did you become powerful: were you well known?” The lord is only going to ask us, “How much did you love?” at the sunset of lives, there are the sunset of our lives, you will be judge according to LOVE.

Q: Ano pong aspeto ng buhay ng Santo Papa Francisco ang maaring makaugnay ang mga Pilipinong nawawalan ng pag asa sa buhay?

Si Pope Francis ay galing sa angkang Italyano na dahil sa kahirapan sa Italya napunta sa Argentina, naghahanap ng trabaho, di ba Pinoy na Pinoy yun. Iniiwanan ang pamilya para maghanap ng mabuting kabuhayan. Ito ang reality ng mga Pilipino ngayon. Ang mga Pilipino halos nasa lahat ng bansa sa buong mundo

Pinag iisip isipan ko lang ito, sa Amerika, sa Europa, naghihiwlay ang babae at lalake, husband and wife ay naghihiwalay dahil hindi sila magkasundo at natuyo ang pagmamahal. Sa Pilipinas naghihiwalay ang lalake at babae dahil sa tindi ng kanilang pagmamahal, iiwanan niya ang kaniyang mahal sa buhay, masakit sa loob, umiiyak, nag iisa, nahihirapan, nagkukuskos, naglalaba ng mga damit ng hindi niya kaanu-ano pero lahat yun tinitiis kasi yung iniwanan ko sa Pilipinas Mahal ko.

Nagkakahiwalay tayo dahil sa matinding pagmamahal, ito rin yung nangyari sa buhay ni Pope Francis, ang kanyang mga ninuno migrant workers. Napunta sa Argentina naghahanap, nagsasakripisyo para sa kanilang mahal sa buhay. Di ba ito ay kwento ng bawat Pilipino. Lihim akong naiiyak, lihim akong nalulungkot, nasusugatan ang aking kalooban, nasusugatan ako sa aking trabaho pero dahil mahal ko sila, makapagpadala ako ng konting pera, mapaaral ang mga anak ko, mapagpatayo ng bahay ang asawa ko, gagawin ko lahat. This is Love. This is Love at ito ay hindi natin maaring ipagwalang bahala sapagkat sa ating Filipino migrant workers nakikita natin mismo yung sakripisyo ni Kristo.

Q: Paano po tayo dapat maghanda para sa pagdating ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas?

Ang pagahahanda ng barricades, ng entablado, ng mga bandiritas, marami ng gagawa niyan pero ang paghahanda ng bawat isa, bawat isa lang sa atin ang makakagawa niyan. Paano natin mapapaghandaan. Una, family prayer, maganda ang rosaryo, pero mas maganda ang rosaryo kapag dinadasal sa bahay kasama ng pamilya. Maganda ang misa pero tumatamis ang ostiya kapag kayo ng asawa mo, ng mga anak mo, ng pamilya mo, ng mga kasambahay sabay sabay na tatanggap sa katawan ni kristo. Sabi ng mga Chinese, if you are with friends even water becomes sweet, if you are with friends and you go to mass, if you are with  friends and you pray, prayer and the eucharist becomes more meaningful, becomes more beautiful, becomes a joyful encounter between us and God.  Paano natin ihahanda ang ating sarili sa pagdalaw ni Pope Francis? First and foremost spiritual, hanapin natin ang mga may tampo sa simbahan.  Alam naman natin kung nasaan sila.

Look for the strayed, look for the confused, search for the lost because when you bring back the lost, when you bring back the confused, when you bring back those who have strayed, these people that you have brought back to the lord , will be the same people who will bring you to the lord, to heaven.

Kapag pinabayaan natin sila, pinapabayaan natin si Kristo. Kapag nagbulag bulagan tayo sa kanila, baka pagdating ng araw sasabihin sa atin ni Hesus, nung nakakakita ka pa nagbulag bulagan ka, habang panahon ka ng mabubulag hindi mo na makikita ang aking mukha sapagkat hinihintay kita at tumingin ka sa kabila. Hinihintay kong akayin mo sila papunta sa akin, subalit madaling buhay ang pinili mo. Bring back the strayed, the confused the lost. The marginalized, the hurting. Let them experience again the mercy of god, let’s not debate, let’s not discuss, let’s just be friends. You can catch more flies in a teaspoon of honey than with the galloon of sour vinegar. Ther are so many differences but there are so many things that unites us, and let the sweet scent of Pope Francis be the sweet scent of charity and love that we will share with everybody, that is the way to prepare for his coming.

THE POPE AND THE CATHOLIC CHURCH (Ang Santo Papa at ang Simbahang Katolika) with Bp. Mylo Hubert Vergara


Pag sinabing “The Pope and the Catholic Church”, ang papa pastol, shepherd. Pinapastulan niya ang buong simbahan, the Catholic Church so ang nakikita natin ay isang Papa na andyan at tayo sa simbahan bilang mga tupa ni Kristo ay pinangangalagaan kaya nga isa sa mga favorite passages ko sa scriptures ay Psalm 23, “The Lord is my shepherd, there is nothing I shall want.” Ang Panginoon ang aking pastol, yun dapat ang ating maging pananaw.

Pag sinabing “The Pope and the Catholic Church”, ang Santo Papa, si Pope Francis ay mabuting pastol, pinapastulan tayo at ang pinaparamdam sa atin ang pag ibig at pamamastol walang iba kundi ang kaisa-isang mabuting pastol ay si Jesus mismo.

Nung huling CBCP plenary meeting ng mga Obispo, nagbigay ng welcome address si Abp. Socrates Villegas, ang President ng CBCP, may nagtanong raw sa kanya, “What is the greatest challenge of the Catholic Church today? Parang biglang pumasok raw sa isip nya, “Pope Francis”. Napapaloob yung sagot na malaking hamon para sa simbahan si Pope Francis, lalo na sa mga Obispo, sa mga pari, sa mga leader, layko, sa ating lahat. Malaking hamon si Pope Francis.

Nung siya ay in-elect na Santo Papa nakatawag pansin yung kanyang ginawa nung siya ay nagpakita na sa buong Santa Iglessia Katolika. Naalala ko nasa balkonahe siya tapos nagbigay siya ng kanyang opening speech sabi niya “Pray for me, Pray for me”. Sa tingin ko ito yung malaking hamon para sa simbahan, parang pinatunayan ni Pope Francis na buong pakumbaba kailangan siyang ipagdasal bilang pastol ng buong simbahan.

Buong pakumbaba na aminin natin na kailangan natin ang bawat isa kailangan natin ng tulong at awa ng diyos sa lahat ng ating gagawin. Kaya ito siguro yung tema ng darating na Papal Visit, “Mercy and Compassion” kasi yan ang pinakita ng ating Santo Papa. Napakahalaga sa kanya ang mercy and compassion sa kanyang pamamastol, pag sinabing mercy di ba sa tagalog parang awa.

Yung salitang “compassion”, sa latin dalawa yan, dalawang maihihiwalay natin, yung “CUM” (com) ibig sabihin “with”, yung “PASSIO” is to “Suffer” kaya kapag sinabi mong “COMPASSION”, “To suffer with”. So nakikilahok ka sa pagpapakasakit o pagdurusa ng iba. Ito ang ipinakita ng ating Santo Papa, yung to suffer with, yung makilahok, maramdaman ang pagpapakasakit, pagdurusa ng iba sa lahat ng aspeto ng buhay

Hamon sa lahat ng leader, lalong lalo na sa lahat ng leader ng simbahan at hamon din po sa akin bilang isang leader ng simbahan, bilang isang pastol na yung aking pakikilahok sa mga dinaraanan ng mga hikahos sa buhay, mga dukha, mga may sakit, mga mahihirap na may matitinding problema ay dapat kong tugunan. Hindi lamang para magbigay ng solusyon kundi sa tingin ko ay maiparamdam yung sinasabi na mercy and compassion of the Lord.

Sabi nga ni Pope Francis, binibigay nya ngang pangaral sa mga Obispo at mga pari. Sabi niya, sa English, “You bishops, you priests, you should smell like sheep”, kasi parang sinasabi niya baka minsan nalalayo, nalilingat na tayo sa’ting mga pinapastulang tupa maaaring nangangaral tayo sa pulpito pero hindi nararamdaman yung ating presensya. So mahalaga yung bumabad ka, makilahok ka at maramdaman lang ang presensya ni Kristo sa pamamagitan mo.

Ang ganda nung sinulat ni Pope Francis dun sa kanyang Evangelii Gaudium, yung “The joy of the Gospel”. Sa kanyang pangangaral, sabi nya dapat kung ikaw ay pari dapat ang iyong pagpapaphayag ay nararamdaman ang galak ng panginoon, halimbawa sabi niya sa mga pari yun lang paggagagawad ng kumpisal, yung sakramento ng kumpisal,

Sinulat niya dun, “Do not make a confessional like a torture chamber”, kasi sa totoo lang marami ng ayaw mangumpisal, natatakot mangumpisal maaring kasi napapagalitan ng pari sa kumpisyonaryo at parang hindi nila nararamdaman na sila’y pinapatawad ng panginoon at sa gitna ng kanilang ginawa, nagawang hindi maganda sa kanilang pagkamakasalanan ay nararamdaman nila na parang hindi sila tinatanggap ng diyos,  hindi naman ganun ang Panginoong Hesukristo.

Hindi torture chamber yung kumpisyunaryo, ito dapat ay isang sakramentong iginagawad ng simbahan para maramdaman kung sinuman ang tatanggap ng sakramento ng awa, ng pag ibig, ng pagpapatawad ng panginoon. Nabasa ko din dun sa Evangelii Gaudium, nakatawag pansin din sakin kung ikaw ay katolikong kristyano. Sabi niya dapat hindi ka parang bagong galing sa libing. “If you are a Christian”, sabi nya, “You should not be someone who just came up in a funeral, you should be like someone. Easter Sunday na e good Friday ka pa.  Kasi yun ang kalimitang nagiging problema baka may mga lumalayo sa simbahan kasi nakikita yung mga disposition ng katolikong kristyano na malungkot o kaya parang hindi tinatanggap yung iba. Dapat ipapahayag mo ang galak ni kristo. You must exude the gospel of joy kaya sa tingin ko ito yung hamon sa lahat ng leader sa panahon ngayon pati yung mercy and compassion sa tingin ko ito yung gospel of joy.

Nagkaroon ako ng meeting ng mga kaklase, sabi niya, “Alam mo, iba talaga yung bagong Pope natin. Kasi sabi niya, “Pati yung mga hindi naniniwala sa diyos, naniniwala ulit. Yung ibang lumalayo na sasimbahan, bumabalik ulit”. Mukhang dumadami na ulit ang katoliko dahil sa papang ito kasi pinakita niya kung ano ang tunay na leader ng katolikong simbahan at ang pinagmmulan ay walang iba kundi yung pagiging leader ni Hesus mismo.

Q: How do we prepare for the coming of our Holy Father Pope Francis in the Philippines?

Kailangan ihanda natin yung ating mga puso lalo na yung ating mga kaluluwa because it is the Vicar of Christ, who will be coming to us after 20 years, since 1995.  The Philippines should prepare well in the spiritual aspect.

There is a tendency to feel good and euphoric that the Holy Father will visit us kaya nga syempre masayang masaya tayo at excited tayo pero hindi dapat maiwan dun. Excitement, Euphoria should even lead to something deeper and that’s why we are really called to prepare from within.

Gustong mangyari ng Santo Papa natin ay we be in touched with the poor and ensure that we are a church of and for the Poor kaya nga makikita natin in his ministry, he has been reaching out to the materially poor, to the emotionally poor and to the spiritually poor.

We are expecting that his visit here will touch based with the poor of the Philippines.

Both from the church side and the government side were working hand in hand to ensure that in varied aspects, we will logistically prepare for the arrival of the Holy Father, to make it a fruitful one and a meaningful one.

Isang biyaya ito, isang malaking biyaya. Hindi taun-taon binibisita tayo ng Santo Papa. Kapag binisita tayo ng personal ng Santo Papa hindi lang natin siya basta maririnig, makaka-engkwentro siya. In this era of new evangelization, napakahalaga yung Personal Encounter with Christ, the visit of Pope Francis will be our personal encounter with Christ.

THE POPE AND THE PHILIPPINE CHURCH (Ang Santo Papa at ang Simbahang Katolika sa Pilipinas) with Bp. Honesto Ongtioco


Tayo ay pingapala dahil previous to this bago itong paghahanda para sa pagdating ng Santo Papa, dineklara ng CBCP na Year of the Faith so ito ay isang napakahalagang paghahanda sa mga darating na panahon lalong lao na yung mga serbisyo ng simbahan para lumamig ang pananamaplataya ng ibang tao at yung ibang tumalikod so kailangang pag ibayuhin, muling paalabin ang pananamplataya, darating ang ating Papa, there is a call to renew our faith, pag ibayuhin natin ang ating pananampalataya and it’s a great blessing. Ito ay isang okasyon para lalong lumalim at mapayaman ang ating pananampalataya.

Tayo ay isa sa dalawang bansa na katoliko para maipamahagi, maipahayag ang mabuting balita ang maranasan ng mga tao ang galak at tuwa na ibinibigay ng mabuting balita. Dahil darating ang Papa, ang pinakamataas na pinuno natin sa simbahan, malaking bagay ang kanynag pagdalaw dahil, tumitingala tayo, nagbibigay ng pag asa, we have something to look forward to. Sa kanyang panalangin, sa kanyang halimbawa, pagyakap sa mga taong nangangailangan, malaking inspirasyon yun na hindi mawalan ng pag asa ang tao sa kabila ng karukhaan, sa kabila ng mga pag hihirap dahil hindi natatapos dito kaya nga may mabuting balita at ang papa ay muling ipinagpapatuloy ang misyon ni Jesus, ipalaganap ang mabuting balita habang nabubuhay tayo.

Ang kanyang paglalakbay ay paglalakbay ng habag at awa.

Bago ka maging maawain ay dapat maranasan mo yun kaya nga binigyan natin ng pansin at importansiya yung spiritual preparation.

Habag, o malasakit, nagiging konkreto ito kung yung sakit ng ibang tao ay ginagawa mong sa iyo rin, ginagawa yun ng Santo Papa. Yung kahirapan ng mundo parang sinasabalikat niya, sinasapuso niya so ganun din ang ating dapat gawin. Matuto sa kanya, matuto kung sino ang sinusundan ni Pope Francis.

Sino ang ating leader? Ang tunay na leader si Jesus. Pianpaklita yung kanyang habag sa ibat ibang paraan. Ito ay tinutularan natin. Nagsisikap tayong abutin yung ibang tao upang ipadama sa kanila ang pagmamahal at awa ng diyos.

Blessed are the poor in spirit for their the kingdom of heaven, that follows the other beatitudes we are total dependent on god and the fruitfulness, the meaningfullness of our life will depend on how we see ourselves before god. We are always at the mercy of god.

Q: How to prepare for the coming of our Holy Father Pope Francis?

How do we prepare for the Popes coming? We try to prepare spiritually, we pray that it will be a successful visit because we want his visit not just to last for a couple of days. He comes to confirm us, to deepen and enrich our faith that in Christ in the good news, we have always hope. The lord will always be there for us. Perhaps we cannot understand clearly all theorize, violence surrounding us today yet in good news tells us that in Jesus we have hope, there is joy, there is the hope of encountering Jesus.

%d bloggers like this: