Sabihin mo!


Sabihin mo sa akin ngayon kung paano ka nagsimulang magmahal At sasabihin ko sayo kung paano ako nagsimulang umasa.

Sabihin mo sa akin kung anong saya ng pakiramdam nung nakuha mo ang oo-ng inaasam At sasabihin ko sayo kung paanong ang Puso ko’y lumundag sa ligaya.

Kay saya ng mga unang araw at unang buwan ngunit dumating sa oras na gana ay nabawasan, naging matamlay at naging walang Pakialam

Nais Kong ipaalala sayo ang sarap ng pakiramdam habang sinasabi mong ako ay iyong mahal

Sabihin mo sa akin ang iyong naging dahilan kung bakit ang pag ibig na kasing lawak ng kalawaka’y tila baga naging sinlaki na lamang ng butil ng palay

Sabihin mo sa akin ang iyong naging dahilan kung bakit ang Pusong nagliliyab noon sa pagmamahal ay tila naging yelong unti-unting natunaw

Sabihin mo sa akin kung bakit ika’y napagod at sasabihin ko sayong lakas mo ay lagi Kong pinagdadasal sa maykapal

Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit Kay bilis mong lumisan at sasabihin ko sayong Puso ko ay lubos mong nasaktan

Sabihin mo sa akin ang dahilan upang ikaw ay aking maunawaan

Sabihin mo sa akin ang dahilan upang sarili ko ay matulungan, makabangon at makabawi sa sakit na nararanasan.

Oras, araw at buwan ay lumipas
Puso ko ay unti-unti kumupas
Naghihintay sayong pagbigkas
Ng dalawang salitang sana ay wagas

Bakit tila baga Kay hirap sabihin
Ang nais lang naman sana na ikaw ay humingi ng paumanhin

Halos maubos na ang mga salita sa aking panalangin

Ngunit ang araw na yun hanggang ngayon ay hindi dumarating

Marahil sa pakiwari mo ay di naman nararapat na gawin

Ngunit mahal ko nais ko ay yung intindihin

Na sa bawat araw na ikaw ay kapiling
Hanggang sa buhay ko ay yung lisanin
Wala akong ibang hiniling
Na sana iisa ang ating dandamin
Hanggang sa huling hininga ng buhay natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s