Ito na ang Titulo


Isa sa pinakamahirap na gawin sa buhay

Ay ang pumili kung magpapatuloy pa o titigil na

Magpatuloy na umibig sa taong wala na

Magpatuloy na tuparin ang pangarap kahit sobrang hirap na

Magpatuloy sa buhay kahit minsan hindi na alam kung saan ang punta

 

Madalas tayong naghihintay sa bagay o tao na hindi naman sigurado kung darating nga o darating pa

Naghihintay  na sambitin sayo na patawad kung nasaktan ka at naghihintay ng tamang oras na humingi ng tawad kung nakasakit ka

 

Nakakalimutang mabuhay sa kasalukuyan

Dahil iniisip kung ano ang magiging kinabukasan

Napapabayaan ang mga bagay na nasa harap na

Dahil ang tinitingnan ay mga bagay na wala pa

 

Minsan pinipilit alamin ang lahat ng bagay

Kahit hindi naman na kayang abutin pa

Minsan pinipilit pumasok ulit sa buhay ng iba

Kahit  sila mismo’y ayaw na nila

 

Ayos lang naman sana ang subukan

Hindi naman mahalaga kung hindi magtagumpay

Huwag lang sanang makakalimutan

Na ang paghihintay ay may hangganan din naman

 

Bago ibigay ang sarili sa iba

Siguraduhin munang sarili mo ay kumpleto na

Baka kasi nagbibigay ka

Sarili mo pala’y nasisimot na

 

Mahalin muna ang sarili bago mahalin ang iba

Baka kasi pag minahal ka ngunit kulang ka

Isipin mong ang pagmamahal nila ay sobra-sobra na

Baka hindi mo makaya at bumigay ka

 

At kapag naman nagmahal ka

Siguraduhin munang handa ka

Ang pag-ibig at relasyon ay maraming sorpresa

Katumbas ng bilang ng saya at problema

 

Ang pag-ibig, hindi sapat na sabihing mahal mo o mahal ka

Hindi ito mararamdaman kung sa gawa ay hindi mo maipakita

Ang pag-ibig, hindi sapat na sabihing kasintahan mo na

Kung sa pagsisikap at oras naman ay nagkukulang ka

 

Ang pag-ibig ay hindi basta-basta

Hindi ito isang laro

Hindi ito ang sitwasyon para baguhin ang isang tao

Bagkus isang mahalagang biyaya kung saan ang dalawang tao

Gaano man kahirap makasama ang isat-isa

Kayang magsakripisyo para sa ikabubuti ng bawat isa

 

Sa pag-ibig may tumatagal talaga

Mayroon din namang pansamantala lang pala

Hindi mo alam, sa isang iglap ay wala na

Kaya sana pahalagahan ang bawat minuto na kasama siya

 

Sa pag-ibig may kumakapit at may bumibitaw talaga

Pero kung kakapit ka, siguraduhin mong nakakapit rin siya

Baka kasi ikaw nakakapit pa, siya pala ay bumibitiw na

Matutong ilugar ang sarili sa buhay ng iba

Baka kasi ang pagpapahalaga mo ay sobra na

Sa kanya pala ay wala ka lang kwenta

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: