Saan nga ba matatagpuan ang Hustisya?


Naalala ko sabi ng isa sa mga magagaling na professors sa Law School noong first year ako, “Kapag magbabasa ka ng anumang artikulo huwag mong hayaang pipindot ka lang ng “Like” button, kahit papaano ay magbigay ka rin ng komento at magbigay ng tamang argumento.” (not verbatim, but certainly general)

For the decision allowing Grace Poe to run for President.
Where is the supremacy of the Law of the Land?

Reminder Supreme Court:
CONSTITUTION is the SUPREME ( or fundamental) LAW OF THE LAND.
In case nakalimutan nyo po o kinalimutan man. Kung anuman po ang dahilan, kayo na ang nakakaalam.

Lima lamang naman po ang kwalipikasyon sa pagka-Presidente, to wit:
1. NATURAL BORN CITIZEN OF THE PHILIPPINES
2. At least forty (40) years of age on the day of the election
3. Registered voter
4. Able to read and write
5. RESIDENT OF THE PHILIPPINES FOR AT LEAST TEN (10) YEARS immediately preceding such election.
(CONST. Art. VII, Sec. 2)

Sa aking palagay ay hindi naman po ganun kahirap itong maunawaan. Wala rin naman po akong makitang malabo sa mga kwalipikasyong nakasaad O baka naman masyado na ang katalinuhan kaya liko-liko na ang kakayahang umunawa ng mga bagay-bagay. Laging binibigkas noon ng professor ko sa Constitutional Law I and II that we are a NATION OF LAWS, NOT OF MEN. Hindi nakadepende sa kagustuhan lamang ng iilang tao ang kinabukasan ng libu-libong Pilipino.

Kayo pong nag-aral ng ilang taon para malaman ang batas, kayong mas higit na nakakaalam ng batas, sana naman po kayo ang unang tumatalima sa mga nakasulat. Sapagkat kung kayo po mismo ang isa sa mga bumabalewala nito, paano pa kaya o paano na lang kaya ang mga pangkaraniwang tao na wala man lang ideya kung ano nga ba ang nakatala sa Konstitusyon ng bansa. Huwag naman po sana nating isipin kung ano lang ang pansamantalang makabubuti sa ating henerasyon ngayon bagkus, isipin at itatak sa utak na ang bawat desisyong inyong ginagawa sa Kataas-taasang Hukuman ay magiging panghabang buhay na nakatala sa kasaysayan ng ating bansa.

Ako po ay Pilipino, a Natural Born citizen of the Philippines at residente nang mahigit dalawamput-anim na taon, a registered voter and able to read and write. Hindi ako ang tipong tumatalikod sa pagka-Pilipino at babalik kung kailan ko gusto at tatakbo sa pusisyong gusto ko dala ng emosyon at pagkilala ng ibang tao. Ako ay Pilipino at Mahal ko ang Pilipinas.

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: