Paghahanda sa Pagbisita ng Santo Papa


Sa pagbisita ng Santo Papa sa ating bansa, ano nga ba ang dalang biyaya nito para sa mga mananampalatayang Katoliko?

“Itong ating Papa ngayon, si Pope Francis ay totoong nakatingin sa mga katotohanang panlangit pero nakatingin din sa katotohanang nagaganap dito sa lupa.   Isang Papa na basbas para sa simbahan na ang kanyang pagiging pinuno ng simbahan ay hindi lamang ipahayag ang pagmamahal sa diyos kundi ipaliwanag at ipahayag din ang pag mamahal sa kapwa.’-Abp. Cruz

Sa pagsasabuhay ng mga turo ni Kristo at bilang isang mananampalatayang Katoliko, dagdag pa ng Arsobispo,

“Hindi lang diyos ang dapat mahalin kundi dapat ding mahalin yung kapwa natin na ginawa ng diyos”.

Nais rin ng arsobispo na nawa ang bawat isa ay huwag lamang maging isang sanghay ng pananampalatayang kristiyano na ukol lamang sa diyos ang tinitingnan bagkus maging ang pagmamahal sa kapwa higit lalo sa mga dukha na namumuhay sa lupa.

“Wag sana akong maging isang sanghay lang ng pananampalatayang kristiyano ng tungkol lang sa diyos, ng sa diyos, ng sa diyos ang  sasabihin. Bagaman tama yun, kulang yun. Pwede ba, huwag lang tungkol sa langit ang tingnan natin kundi tungkol din sa lupa. Pagkat kung hindi, kulang. Kalahati lang.”

“Kung si Kristo ay puro lang sa langit ang kanyang itinuturo, puro lang sa impyerno at sa anghel. Ipapako ba sa krus yan. Sabi nya, kayo mga pariseo, para kayong mga puntod ng libingan, ang puti puti ninyo sa labas, lahat ng kabulukan nasa loob.”

Sa kanyang pagtatapos, kanyang pinaalala na ang simbahan ay hindi mga naglalakihang gusali o anuman. Ayon sa Arsobispo.

“Pag sinabing simbahan, tayong lahat yan.”

Ang tunay na kahulugan ng pagiging isang tunay na kristiyano ay hindi makikita sa sinasabi lamang nito bagkus maging sa ginagawa at pagsasabuhay ng pagmamahal ng Diyos. Bilang paghahanda sa pagdating ng Santo Papa, tayo ay inaanyayahan na ang pinakamahalagang preparasyon ay ang preparasyon ng sarili at kaluluwa para sa Diyos at sa Kapwa.

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: