2015: Taon ng mga Dukha


Opisyal na idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang taong 2015 bilang Taon ng mga Dukha. Ang temang ito ay hango sa ebanghelyo ni San Lucas. Ang taon ng mga mahihirap ay ang ikatlo sa siyam na taon sa panahon ng Makabagong Ebanghelisasyon.

Sa pagdiriwang ng taon na ito, itinalaga ng CBCP ang National Secretariat for Social Action (NASSA) na manguna sa selebrasyong ito, sa pamamagitan na rin ng pakikipagtulungan sa iba’t-ibang komisyon ng CBCP at ng mahigit 85 diyosesis sa Pilipinas.

Sa pahayag mula kay Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng CBCP-NASSA,   ang simbahan diumano ay patuloy ang pagtatanggol para sa mga mahihirap at sa mga naaapi lalung-lalo na sa mga sitwasyon kung saan ay wala pa ring tigil ang paglabag sa karapatang pantao at ang hustisya ay hindi maramdaman ng mga magsasaka, mga katutubo, mangingisda, manggagawa at maging sa mga biktima ng  kalamidad. Ayon sa kanya ang selebrasyon na ito ay isang panawagan ng pagpapanibago at pagpapasimula sa ating mga pangako para sa pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.

Sinimulan ang deklarasyon na ito sa pamamagitan ng Banal na misa sa pangunguna nina Arsobispo Rolando Tria-Tirona, Episcopal Commission on Socaial Action, Justice and Peace (ECSA-JP) Chair at Obispo Juan De Dios Pueblos ng Diyosesis ng Butuan kasama ang kaparian ng Butuan at mahigit 200 taong nakilahok dito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s