Napoles: Tell All Tale


Mahigit siyam na buwan na ang lumipas nang unang bumulaga sa atin ang usapin tungkol sa malabuwayang pangangamkam ng iilang tao sa kaban ng bayan. Pondo na kilala sa Tawag na Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Sa The Forum ng Catholic Media Network nitong Abril 29, 2014 na ginanap sa Ilustrado, Intramuros muling pinag-usapan ang hindi dapat kalimutan na isyung ito kasama sina Kongresman Lito Atienza na kilala sa kanyang pagkontra sa pagkakaroon ng Pork Barrel Fund at Abp. Oscar Cruz na kilala rin sa kanyang mga akusada laban sa katiwalian ng ating lipunan.

Ayon kay Kongresman Lito Atienza ang pagpapatawag kay Napoles sa Senate Investigation at pagsasalaysay sa harap ng maraming Pilipino nang sinasabing “Tell all Tale” ay diumano magbubunga lamang ng isa na namang kamalian.

Aniya, “Akoy naniniwala na hindi na magbubunga ng tama yun. Ang dapat gawin ay ang kanyang (Napoles) ibinigay na Affidavit sa DOJ, ilathala niya sa dyaryo at ang Ombudsman naman kasuhan lahat kung sino man yang mga yan.”

Dagdag pa niya, “Yung number one suspect kumanta na. Ano pang hinihintay natin? Mag-iimbestiga pa? Anong iimbestigahan? Kasuhan na ang dapat kasuhan at sa korte na sila magkita-kita.”

Sa kabilang dako ukol naman sa mga pinanghahawakang listahan umano ng mga sangkot sa isyung ito ayon kay Abp. Oscar Cruz.

“Yung listahan na pinanghahawakan ni former Senator Lacson, ito po sa akin ay mahalaga. Sapagkat iyang si Sen. Lacson ay kilalang-kilala ko sa simulat’simula, hindi po yan naloloko at nagpapaloko.”

Simula nang mapasa-kamay ni Sec. Delima ang umanoy listahan ng mga sangkot sa isyung ito mula sa tinatawag na “Queen of Pork” hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito nailalathala at naisasapubliko.

“Naunawaan ko na si Sec. De Lima ay kini-clear out pa sa Pangulo kung ilalabas nya yung listahan na galing kay Napoles, kung sinu-sino ang dapat ilabas o hindi.”- Abp. Oscar Cruz

“This (Pork Barrel Scam) is the biggest scandal that is already affected the roots of our democracy. Biggest! Wala pa akong nabalitaang ganitong eskandalo na buong Senado halos kasali , Kongreso kasali, Executive Department kasali.” Wika ni Kongresman Atienza.

Dagdag pa nito, “Ang number one issue kung bakit hindi tayo umuunalad ay dahil sa Corruption.”

Maliit man o malaking uri ng pandaraya sa lipunan, sa anumang paraan ay mananatiling pandaraya at panlalamang. Lahat ng pagkakamali ay may karampatang parusang nakaabang sa sinumang makagagawa nito.

Nawa ang kaayusan at pagkakapantay-pantay ay magsimula sa mga namumuno ng bayan. Hindi puro sarili ang iniisip at ang pagpapayaman dito sa mundong ibabaw. Sapagakat pagdating ng araw na ang bawat isa ay haharap sa Diyos na may lalang, tayo ay huhusgahan hindi sa kung gaaano kalaking yaman ang iyong naimpok ngunit kung paano at ano ang mabuting buhay ang iyong naibahagi sa iba.

Ang mabuhay na may dangal ay kinalulugdan ng Maykapal.

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: