2013 Learnings


Actually, naka-post na ang mga ito sa Facebook account ko, just in case hindi nabasa lahat, here are the list of things I learned from year 2013. Kulang ang sampu para masabi lahat ng natutunan pero sa dami siguro ito na ang mga importante for now, kasi for sure madadagdagan yan this Year 2014.

1. “Do not live for the expectations of people around you. Live for yourself, for your dreams. If you messed up, so WHAT?  A life without      mistakes is a Crap.”

2. The most important people in the world and in your life are your family. Give them your time, and be generous to them.

3. “Love isn’t always sweeter the second time around. Because sometimes, it actually doesn’t deserve a second chance.”

4. Everyone is experiencing his/her struggles in life. Be Compassionate and be Patient.

5. Some people are Good and some are Not so Good so give your reaction some space. We are all learnings. Be Nice to everyone.

6. Never compare yourself to others. There’s no other human like you because You are a Unique and perfectly molded by God, just the way  You are.

7. We are all have this what we call a very “Top Secret”, so keep it to yourself, be careful, watch your mouth and your actions. Unless, you find  that right enough true man who’ll love and accept you no matter who you are and no matter what you are and will never ever leave you until    the end of your time.

I know and Im pretty sure he’ll find me and I’ll find him too, very soon. I claim it.

8. Even if it hurts, even if it’s so painful, just keep that music playing in your heart. Keep Loving and Forgiving, that is all that matters. Life and Love, so Inseparable.

9. Be happy for doing what you’re doing right now, no matter how difficult it is or impossible it may be. Because by the decisions we make, we  are shaping our own destiny, and we are the ones responsible for whatever choices we make.

10. Sometimes its OK to give up a thing or a person for you to be completely Happy because you deserve more than to be with someone who is  afraid of Commitment and Responsibility.

Happy Year 2014 everyone.

FIESTA NAZARENO 2014


Tema: “Debotong Layko ng Poong Hesus Nazareno, Tapat na Katiwalang Nagdarasal, Sumusunod at Sumasaksi

Sa pagdiriwang ng Piyesta ng Nazareno ngayong ika-siyam ng Enero, nakahanda na ang lahat ng institusyong katulong upang mas mapaganda, maging mapayapa at mapaayos ang gagawing Traslacion o Prusisyon ng Imahe ng Poong Nazareno. Kabilang sa mga institusyong ito ay ang Dept. of Health (DOH), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) at ang Dept. of Public Works and Highways (DPWH). Nakatakda na rin ang kaniya-kaniyang gawain base sa kanilang napagpulungan.

Ayon  kay Msgr. Jose Clemente F. Ignacio, Rector at Parish Priest ng Quiapo Church, kaiba sa daang tinahak noong nakaraang taon,  may kaunting pagbabagong mangyayari sa Routang daraanan ng prusisyon.

Aniya, Alam na po natin ang  problema ng McArthur Bridge at dahil po dito ay nagpasya po kami na papakiusapan po natin ang mga deboto at mamamasan para na rin sa kaligtasan ng lahat at ang Routa po ng ating darating na prusisyon ay daraan po sa Jones Bridge at kakanan po sa Escolta at babalik  paikot doon sa FEATI at tuloy-tuloy na rin po doon sa Villalobos.

Dagdag pa ng Monsignor, ang eskedyul ng Traslacion ay walang ipinagkaiba sa nakaraang taon.

Ang mga schedule po natin ay pareho pa rin , magsisimula po ang ating darating na replica prusisyon sa darating na January 7.-Msgr. Clemente Ignacio

At upang mas mapalalim ang pagninilay sa Tema ngayong taong ito, ayon pa sa kanya, magsasagawa din  sila ng Vigil para sa pagdiriwang na ito.

May overnight vigil po tayo na inihanda ng kabataan ng Quiapo at kabataan ng Batangas at dito po ay palalalimin po yung tema ng ating Traslacion. -Msgr. Clemente Ignacio

Samantala, ayon naman kay Fr. Ricardo Valencia, Assistant Parish Priest ng Quiapo Church, ang mga debotong dumalo sa Pagdiriwang na ito sa nakaraang taong 2013 ay nasa mahigit 9.6 milyong katao at kung pagbabasehan diumano ang trending, ito ay umaakyat kada taon ng 15-20 percent. Kung kaya naman inaasahan na ang higit pang pagdagsa ng mga debotong makikilahok sa taong ito.

Ang pagdiriwang na ito ay ang unang hakbang lamang para sa mga taong lubos na nananalig sa Diyos, buong pusong nananampalataya at umaasa sa biyaya ng Poong Maykapal. Ito rin ang  pasimula ng pagdiriwang sa pagdedeklara para sa taon ng mga Laykong Pilipino.

%d bloggers like this: