AKSYON, Red Cross


Ang Red Cross, ito ay isa lamang sa mga institusyong walang patid ang pag-aksyon mula pa sa mga nakaraang unos hanggang sa katatapos pa lamang na pananalasa ng bagyong Yolanda.

Sa sunod-sunod na pangyayaring naganap sa ating bansa, sa iba’t-ibang lugar at iba’t-ibang uri ng kalamidad na nag-iwan ng di mabilang na distraksyon at pagkasira ng infrastraktura at kinabubuhay. Ano na nga ba ang kalagayan ng mga lugar na unang naapektuhan ng mga kalamidad na dumaan

Ayon kay Ms. Gwendolyn Pang, Secretary General ng Philippine Red Cross

“Meron po tayong full force team, ito yung team natin na nai-deploy natin sa bohol, di po natin ginalaw yun and ayaw natin maging forgotten disaster yun.”

“In fact as we raise funds for typhoon Yolanda relief and recovery operations, kami po ay tuloy tuloy na nagre-raise ng pera para po sa Bohol.” –Ms. Pang

Dagdag pa niya, isa sa mg aksyong isinasagawa ng Red Cross higit lalo sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

“We provide more support on shelter repair kits, pagre-repair ng bahay. Then we combined that with livelihood at kung may pera na sila from the livelihood, they can build their homes later. Yung mga homeless we preferred to give them homes.”

Sa ilalim ng bubong ng isang tahanan nabubuo ang relasyong di matutumbasan ng anumang yaman, at sa mahigit isang buwan matapos ang krisis na naranasan ng ating mga kababayan, datapuwat di madali ang muling pagbangon mula sa pagkasadlak, sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan ng mga taong nagpapaabot na kaniya-kaniyang tulong sa anumang paraan, higit na nagkakaroon ng mas malaking pag-asa at tapang na tumayong muli at taas noong haharap sa anumang hamon ng buhay at buuin ang tahanang nagsisilbing silungan ng pamilyang itinuturing na pundasyon ng ating lipunan.

 

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: