National Pilgrimage to Lipa at ang Marian Regatta


Bilang paggunita sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria, isinagawa ang isang pagdiriwang o Festival sa Lipa na tinawag na Marian Regatta.

Ayon kay Msgr. Madlangbayan,“Birthday ni Mama Mary ang September 8 at magandang maganda dahil that day will happen that is Marian Regatta for Mary.”

Dagdag pa niya, “Ang mangyayari, there will be a procession invoking the intercession of the Blessed Mother to take care not only of the lake from which much much livelihood emanates pati ang buong ecological system ng province.”

Malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng mga tao sa Taal Lake na ito dahil ayon pa sa Monsignor

“Yung aming lake, as you would notice, it is shape like a heart at yun ang talagang puso ng probinsya.”

Ito ang ikalawang taon na isinagawa ang Fluvial Taal Lake Festival at sa pagdiriwang na ito nasa mahigit isang daan at tatlumpu’t limang Bangka na ang rehistrado na nakiisa sa araw na ito.

“All these bangca’s or motorboats going around the lake, synchronized, tripping a water procession.” Wika ni Mr. Pepe Alcantara

Ayon naman kay Fr. Dong Rosales, itong National Pilgrimage to Lipa ay Kick of Activity lamang sapagkat nagkakaroon umano ng tinatawag na Triduum at araw-araw ay isinasagawa ang Adoration  to the Blessed Virgin Mary at higit sa lahat ay ang pagsasama-sama ng mga tao sa pagdarasal.

Dagdag pa niya, Diyan po napapatunayan na talagang ang Pilipinas ay isang Pueblo Amante De Maria, mapagmahal sa ina at dumadalangin sa kanya at humuhingi ng tulong na ilapit tayo sa kanyang anak na si Hesus.”

Nilayon ng Festival na ito na mapatatag at mapaunlad  ang Pananampalataya sa Inang Maria at ang Pagmamahal sa Lawa ng Taal nang sa gayun ay makamtan ang higit na pagtulong at paggabay ng Poong Maykapal.

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: