CMMA Judges Appreciation program and 2013 Cardinal Sin Catholic Book Awards


Agosto 28, 2013, sa Arsobispado Intramuros Manila. Sabay na ginunita ang ika-25th Anibersaryo ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) at ika-35th Anibersaryo ng Australian Chamber of Commerce and Industry (ACCI).

Sa pagtitipong ito ipinakita ang pagpapahalaga sa  mga tagapagbando ng CMMA at CSTBA sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng parangal sa mga ito at kasabay nito ay ang pagkilala sa  mga kalahok ng Cardinal Sin Catholic Book Awards

 Cardinal Tagle with Exec. Director Antonio Cabangon Chua
Cardinal Tagle with Exec. Director Antonio Cabangon Chua

“We welcome you all for this affair upang pasalamatan ang walang katapusang pagsuporta at pagtulong ng ating mga butihing Board of Judges  na wala namang remuneration na tinatanggap sa ating organisasyon, it is out of Love, Love to our Lord and love of their Job to do something good.” Ito ang panimulang pananalita ni Ambasssador Antonio Cabangon Chua, Executive Director ng CMMA.

Samantala binigyang diin naman ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang kahalagahan ng Social Media sa ngayon.

Ayon sa kanya “Itong mga nangyari nitong mga nakaraang araw, nakita natin kung ano ang papel ng Social Media, kita nyo ang isang simpleng ideya, ang isang simpleng damdamin ay maaring kumalat, maibahagi at pumukaw din sa ibang isip at sa ibang puso.

Luis Antonio Cardinal Tagle
Luis Antonio Cardinal Tagle

“Ang simbahan ay nag aadhika na ang Social Communication at ang Social Media ay maging daan ng pagpapahayag ng mabuting balita.” Wika ni Cardinal Tagle

Dagdag pa ng Cardinal,“Ito siguro ngayon ang makabagong apoy, kung ibig nating kumalat ang apoy  ang isang paraan ay sa pamamagitan po ng ating Social Media.”

Kanya ring nais na ang CMMA at ang Cardinal Sin Book Awards ay maging isang hakbang upang ang Social Media ay maging dalisay at maging instrument ng Panginoon para maging mabuti , maka-dyos, maka-tao , maka-buhay, makabayan at maka-kalikasan ang ating mga mamamayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s