Martsa laban sa PDAF


Sa isinagawang talakayan sa The Forum ng CMN-CBCP Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media kaugnay sa katatapos pa lamang na rally na tinawag na  “Million People March”  laban sa Pag-abolish ng Pork Barrel nitong Agosto 26, na ginanap sa Luneta, sari-saring reaksyon at kuro-kuro ang nabuo mula sa maituturing na pagkakaisang ito ng sambayanang Pilipino.

“Tuwang-tuwa ako pagkat ito sa gathering, decent people only complaining about indecent realities and therefore they would like to reclaim the decency in government”, Bp. Cruz Oscar

Iba’t-ibang uri ng tao na nasa iba’t-ibang estado ng buhay ang nakita mula sa pagtitipong ito sa Luneta, mula sa mga kabataan hanggang sa matatanda, mahirap at mayaman, ang kanilang paglahok ay nagpakita lamang na iisa ang nais nilang matamo mula sa mga mapagsamatalang tao sa gobyerno na ginagamit ang tinatawag na PDAF para sa mga pansariling pag-unlad at panlalamang higit sa mga mahihirap nating kababayan.

“The Pork Barrel is the greatest source of Corruption, we must fight it, we must fight it”, wika ni Cong. Lito Atienza

“Hirap na hirap na akong paniwalaan itong pamahalaan na ito ”, ito ang salitang binigkas ni Abp. Cruz dahil sa pabago-bagong pahayag ng gobyerno sa kung ano ang nararapat na gawin sa Pork Barrel, kung ito ba ay aalisin o papalitan lamang ng sistema. At ayon pa sa Obispo, hirap na hirap na syang Makita kung nasaan nga ba ang sinasabing tuwid na daan na ito.

Abp. Cruz, “Ang magnakaw ay hindi lamang ipinagbabawal ng pananampalataya, ipinagbabawal din ng kaisipan”, ito marahil ang isa sa maaaring gawing basehan para sa ating mga mananampalataya upang makagawa ng bagay na ang hangad ay hindi makalamang sa iba bagkus ay makapagbigay ng serbisyong tapat na hindi matutumbasan ng anumang bagay na makasisira ng dignidad ng bawat isa at ng buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s