Human Trafficking


Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), National Council of Churches in the Philippines(NCCP) at ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) ay nagkaisa upang sugpuin ang isyu na patuloy ang paglaganap sa ating bansa sa mga panahong ito at yan ay ang isyu ng Human Trafficking.

“Human Trafficking especially for illegal labor and for Sex and the Victims here are children and Women and also part of human trafficking is Trafficking of Human Organs. And we are concerned as church here, about this issue.” Panimulang salaysay ni Bishop Broderick Pabillo

Ayon naman kay Atty. Andrey Sawchenko, “There are thousands of children who are being sold for sexual exploitation each day in the Philippines.”

“This is something a very much reality that is happening within the country and to Filipinos abroad every day.”

Isa ito sa pinakamalaking iligal na Gawain sa loob at labas ng bansa na ayon pa sa Obispo ay pumapangalawa sa Iligal na Droga.

“It is a very big business so much so that is it only second to drugs in the world and pantay na nito ang Armstrade, pantay na siya ng Human Trafficking.” -Bishop Pabillo

Dagdag pa nito, ito ay magiging dahilan lamang ng pagbagsak ng Moralidad kung kaya naman nagkaisa at nagsama-sama ang iba’t-ibang grupo ng simbahan sapagkat nakita nila na ito ay isang Moral na problema na kailangang ipaalam sa mga tao lalong-lao na ang tungkol sa kanilang pananagutan sa isyung ito.

“This is a great progress for us to see the church moving forward.” Wika ni Abraham George

Isa sa mga ugat ng immoralidad ay ang kahirapan na nagiging sanhi ng pagkawala ng dignidad ng tao. Isang magandang panimula na ang Pilipinas at ang simbahan nito ay nagkakaisa sa hangaring pigilan ang isyung may kinalaman dito. At tayo bilang mga tagasunod ni Kristo at mga Kristyano ay nararapat lamang na buong tapang na tumayo at kumilos upang matuldukan na ang sumisira sa buhay ng tao.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s