World Youth Day 2013


Kamakailan lamang sa isinagawang talakayan sa The Forum, naimbitahan ang tatlo sa mga delegadong kalahok sa pagdiriwang ng World Youth Day na ginanap noong Hulyo dalawamput-tatlo hanggang dalawamput-walo ng taong kasalukuyan na idinaos sa Rio De Janiero, Brazil na dinaluhan nang mahigit kumulang Dalawang Milyong kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo at pinamunuan ni Papa Francisco.

Image
wydcentral.org/angelus-with-pope-francis-from-copacabana/

Ayon kay Wency Candelaria miyembro ng CBCP Episcopal Commission on Youth (ECY), ang pagdiriwang na ito ay talaga namang pinangunahan ng mga kabataan, “Ngayong World Youth Day na ito talagang punong puno ng mga kabataan,  talagang puro Youth ang Kumilos.”

Ang paghahandang ginawa ng mga kalahok at maging ang inasam na nakamit ng mga delegado base kay Fr. Conegundo Gargantal ay, “Unang-una po dun sa mga paghahandang ginawa dito na tinawag namin na mga preparatory sessions bago yung pagtulak ng mga delegasyon patungo sa Brazil na lumalim sa pag-unawa na yung paglahok sa World Youth Day ay isang paraan ng pagbabahagi ng karanasan ng pananampalataya.

Samantala, walang  patid naman ang Santo Papa sa kanyang paalala sa mga kabataan na ang, “World Youth Days are not ‘fireworks’, not just moments of enthusiasm that end in themselves; rather, they are stages of a long journey.”

Image
wydcentral.org/angelus-with-pope-francis-from-copacabana/

Binigyang diin rin niya na ang mga kabataang nakilahok sa mahalagang okasyon na ito ay hindi sinusundan ang Santo Papa, bagkus ay si Hesukristong akay ang krus sa mga balikat nito. At bilang Santo Papa, siya  ang nagsisilbing gabay lamang at kanilang kasa-kasama sa paglalakbay tungo sa Pananampalataya at Pag-asa.

Tumatak naman sa isipan ni Steven Bora delegado mula rin sa CBCP ECY ang mga bagay na nagmulat at nagpasidhi ng kanyang paniniwala, base sa nasaksihan ay kanyang ibinahagi ang natatanging karanasan at nakuhang kaalaman mula sa tinitingalang Santo Papa, aniya,  “Ayon sa Santo Papa siguro kaya hindi naganap yung vigil natin kasama ko kayong mga kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo dun sa Field of Faith, kasi ang totoong field of Faith ay kayo, ay Tayo.”

Sa kasalukuyang panahon, isang mabigat na hamon para sa ating mananampalatayang Katoliko ang ipangalat ang mabuting balita ng Panginoon sa iba’t-ibang dako ng lugar, gayunpaman katulad ng Tema ng natapos na World Youth Day, tayo ay inaanyayahang magsiyaon, maglakbay at gawing alagad ang lahat ng mga bansa.

Ang mga taong patuloy ang pagtatag ng pananampalataya sa Diyos ay ang maituturing na tunay na kayamanan ng Simbahang Katolika. At ang World Youth Day ay daan ng paanyaya higit para sa mga kabataan na tanggapin ang tawag para sa isang Misyon—ang mabuhay bilang mga saksi ng buhay na Kristo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s