Kung Lalake Ako


Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay maging isang lalake na alam kong kahit kalian hindi matutupad. Naisip ko kung lalake kaya ako ano ang mga gagawin ko? at naisip ko ang mga ito base sa mga bagay na meron ako ngayon.

Bilang Anak:

  1. Sasabihin ko sa nanay ko na sya ang pinakamabuting babaeng nakilala ko at makikilala ko. Lagi ko syang sasabihan ng I Love You bago matulog at pagkagising. Ipagtitimpla ko sya ng kape kapag malamig at ng juice naman kapag mainit. Lalambingin kapag nagagalit sakin kapag late ako umuwi. Isu-surprise sa birthday nya na may dalang cake habang kumakanta ng Happy Birthday. Ima-massage ko ang mga kamay nya pagkatapos nya maglaba, maghugas at magsaing para naman ma-relax sya. Kapag may pera ako dadalhin ko sya sa Salon para naman makapagpaganda.
  2. Yayakapin ko ang tatay ko at hahamunin ng suntukan, yung tipong walang tamaan. Yayayain ko syang mag-inuman ng Tanduay ice at sasabihing ang tunay na lalake hindi Gin, Redhorse, Matador at Emperador ang iniinum na halos di na makauwi sa kalasingan. Sasabihin ko sa kanya na ang tunay na lalake, mild lang kung uminom at hindi sumusuka sa higaan. Tutulungan ko sya sa trabaho nya para matuwa syang may anak syang lalaking katulad ko. Dahil COOL ang tatay ko at tanggap nya kung anong ginagawa ko kahit minsan pinagbabawalan pa rin ako, makiki-jamming ako sa kanya sa pagsisigarilyo at pipigilan ko kapag sumosobra na sya sa paghithit at buga. Sasabihin ko sa tatay ko na alagaan nya ang asawa nya dahil nabuhay sya para sa kanya, mahalin nya at wag hahayaang umiyak dahil sa kanya. Ipapaalala ko sa kanya na mahal na mahal ko sya at sya ang the best daddy ever para sa anak nya.
  3. Bilang kapatid na lalake, ipagtatanggol ko ang kapatid kong babae sa mga babaero at timer na lalake. Sasabihan ko sila na mag-ingat sa pagpili ng mamahalin hindi lang kung sinu-sinong gwapo dyan at mayaman. Ipapakita ko sa kanila na sila ang prinsesa. Dadamayan kapag broken-hearted at papatawanin kapag umiiyak na. At para naman sa mga kapatid kong lalaki, sasabihin ko sa kanila na ang tunay na lalake hindi nananakit ng babae.

Bilang lalake:

1. Iingatan ko ang sarili ko para sa babaeng makakasama ko habang buhay.

2. Hindi ako magkakagusto basta basta sa isang babae dahil lang sa crush nya ako.

3. Hindi ako manghahalik ng basta basta dahil sa babae importante ang First Kiss, actually lahat ng First mahalaga para sa kanila.

4. Iingatan ko at pipilitin kong makatupad sa kahit anumang ipapangako ko sa babaeng mamahalin ko at ipaparamdam ko sa kanya, hindi minu-minuto at hindi oras oras kundi araw araw na mahal ko sya.

5. Pipilitin kong itext sya kahit sa pinakabising oras ng buhay ko para malaman nyang importante sya.

At kung naging lalake ako, MAGPAPARI ako. Yan ang pangarap ko at dahilan kung bakit gusto kong maging lalake, HINDI BABAE!

My Graduation Speech


San Antonio Elementary School Graduation: March 29, 2012

THEME: “ANG ALAY NINYONG KAALAMAN, GAMIT NAMIN SA PAG-UNLAD NG BAYAN”

Thank you po for such a wonderful introduction.Ito ang unang pagkakataong naimbitahan ako upang maging guest speaker sa okasyong katulad nito. Dahil nga po First Time ko  ito, ay nakwento ko sa mga kaibigan ko,  sa papa’t mama ko, sa mga katrabaho ko at pati na rin sa Boss ko at kung sinu sino pang tao, medyo excited kasi ako (tawa). At unang unang tanong nila sakin, “BAKIT IKAW ANG KINUHA?”Napatigil ako at napaisip.. BAKIT NGA BA AKO?, may sunod pang tanung, “BAKIT HINDI YUNG VALEDICTORIAN NYO NUNG ELEMENTARY, YUNG SALUTATORIAN?” sabi ko na lang, Bakit hindi ba ako pwedeng maging guest speaker nila, Valedictorian at Salutatrian lang ba ang may karapatang maging guest speaker, Pambihira…sabay dugtong 3rd Honorable mention naman ako ng batch namin ha…! (tawa)

Kidding aside, ang maging guest speaker po ay isa sa mga pangarap ko sa buhay kahit noong elementary pa lamang ako, tingin ko kasi mga COOL ang mga taong nagse-share sa harap ng marami, Astig maliban pa sa Credible silang tingnan. Kaya naman, as your speaker, I am very honoured to be here speaking to you on this special day. I hope I can add SOME light to your way ahead and HELP you decide to be a transformational leader in at least some parts of your life. At sana, hindi kayo maakit sa boses ko para makatulog habang nagsasalita dito sa harap nyo. Isa siguro sa pina-challenge ng pagiging isang guest speaker ay kung papaano mo makukuha ang atensyon ng mga makikinig sayo, yun bang tipong hindi sila aatukin sa speech mo.

Ngayon po ang simula ng isang malaking hakbang para sa inyong mga magsisipagtapos, gayun pa man, I can assure you that you are ready to take your place in the future of our community, business and country. Ang ganito pong selebrasyon ay isang napakagandang paraan  para sa inyong lahat na nandito ngayon na tatanggap ng kanya kanyang diploma, isang magandang paraan ng eskwelahan upang ipagdiwang at kilalanin  ang inyo pong mga paghihirap at kung minsan ay mga sakripisyong nagawa. But, I believe that what should make YOU and YOUR parents the most PROUD is not the actual honor itself, not just the diplomas, certificates and medals, but what you had to do to get it. 

To the faculty and staff of San Antonio Elementary School, I also congratulate you for this wonderful accomplishment. I believe you made the most of the opportunity to teach and spend your days with future doctors, lawyers, scientists, and maybe even the future President of the Philippines. Ang temang “ANG ALAY NINYONG KAALAMAN, GAMIT NAMIN SA PAG-UNLAD NG BAYAN”  ay masasabi kong dedicated para sa inyong mga guro, pati na sa mga magulang na nandirito ngayon. Sa inyo po mga magulang unang nahubog ang inyong mga anak, kayo ang unang nagturo kung paano maging magalang, ang pagsabi ng po at opo at pagmamano. Kayo po ang unang naging guro ng inyong mga anak. Ang mga bagay na alam nyo na naipasa nyo sa inyong mga anak ang magiging batong hakbangan nila sa mga darating pang araw. Sa mga guro na nagsilbing pangalawang magulang ng mga magsisipagtapos ngayon, mula sa paghahanda ng inyong lectures, paghahanda sa mga activities ng paaralan para sa mga estudyante, pagbibigay ng marka, ang nangangasiwa ng Parent-Teacher conferences at mga meetings at nangunguna sa mga extra-curricular activities para sa mga estudyante, kayo po ang humubog sa kanila nang sa gayun ay maging higit na magkaroon ng kaalaman na balang araw ay gagamitin nila. Kayo ang nagsilbing mentor, advicer nila sa oras na nagkakaproblema sa loob ng paaralan. At ang taong lubos ang pasensya sa mga estudyanteng pasaway. Para sa mga gurong naging inspirasyon, nagmotivate, , sumuporta at nag-encourage sa mga estudyante. Thank you and Congratulations po!

At syempre, pasalamaant nyo rin yang mga katabi nyo, mga kapwa nyo estudyante, alam ko na dumaan rin kayo sa kopyahin moments kapag may exams, hiraman ng notes, at kopyahan ng assignments, yang kaklase mong yan ang isa sa mga tagapagligtas mo kapag hindi mo alam ang sagot sa recitation nyo, hindi ba??!! Sige, tingnan mo yang katabi mo at sabihin mo,”classmate salamat sa pagpapakopya sakin sa exam dahil sayo gagradaute na rin ako”.(tawa). Ok! At sana, hindi matapos ang araw na ito na personal nyong masabihan ang inyong mga guro at magulang ng salamat kung hindi dahil sa kanila, wala kayo ngayon dyan sa inuupuan nyo.

MOVING ON:

Noong mga araw na nakaupo ako dyan sa inuupuan nyo ngayon, ang sarap ng pakiramdam ko hindi dahil sa unahan ako nakapwesto o dahil tatanggap ako ng medalya at makikita ng buong batch at malalaman nila na may laman pala ang utak ko, (tawa) ….kung hindi dahil natapos ko ang anim na taon ng elemtarya ng punong puno ng pagsisikap at pangarap at excitement para sa pagpasok sa sekondarya, mas mahirap na yugto ng pag aaral. Simple lang ang pangarap ko noong nag-aaral ako, ang hindi makakuha ng grades na mababa sa 80 at hindi matanggal sa Section One. Hindi kasi ako sobrang talino, mas gusto kong sinasabihan ako ng marunong kesa matalino. Yan ay isa sa mga natutuhan ko kay Sir Tecson (guro ko nung Grade 4), ang maging marunong kesa maging matalino. Pero salamat naman at na-maintain ko ang pagiging section one hanngang grumaduate ng high school kasi sa college wala namang section 1,2 or 3 e at laging above 85 ang marka ko maliban lang sa Math, 75 (tawa) kaya nga ako nag-MassComm eh, ayoko ng Math. Naalala ko yung sinabi sakin nung isa kong professor sa St. Paul, sabi nya… Ikaw Ms. Peñarubia, hindi ka naman nag-aaral pero ang tataas ng grades mo at lagi kang pasado sa exams ko..Natawa ako bigla, akalain mo ba namang sabihin nya yun sa harap ng buong klase namin,compliment ba yun o anu?  sa isip isip ko na lang, Oh well, ganyan talaga..tsaka pano naman nya nalaman na hindi ako nag-aaral?! (tawa)….Hindi kasi talaga ako palaaral na estudyante at ayokong nakikita ako ng ibang taong nag-aaral.

Dalawa sa hinding hindi ko malilimutan dito sa eskwelahang ito ay UNA:  noong grade six ako, adviser ko si Ma’am___________, naaalala ko pa yung mukha nyang gigil na gigil sakin dahil bagsak ako sa periodical test namin sa kanya,  kasi ba naman ay nasa Top 5 ako noon at sa twing magrereview kami ang lakas ng loob kong mag taas ng kamay at i-recite ang mga lessons namin kasi memorize ko kahit mali mali ang pronunciation ko (science kasi yun, I mean science, hehe, my mga terminology kasi na mahirap naman talaga bigkasin) kaya ang buong akala nya ay papasa ako sa test  na yun, puring puri pa naman ako nun tapos paglabas ng resulta, tongeyoinks, tumatagintig na 22 points out of 50, di man lang kumalahati…siguro mahigit dalawang linggo syang nanenermon sa klase at ako ang pinapatamaan pero syempre deadma ako kunwari..di ko rin kasi alam na babagsak pala ako, di ko alam kung paano ako bumagsak noon, baka may sumabotahe sa test paper ko ..(tawa)!!! ang akala ko nga noon, matatanggal ako sa Top 5 pero salamat pa rin sa kanya kasi hindi. At ang pangalawa, ay noong recognition namin noong Grade 6 pa rin, tanggap ko na na twing may recognition ang may pinakamaraming award at certipiko na nakukuha ay ang Valedictorian o kaya maglalabanan sila ng Salutatorian, best in ganito, best in ganyan at kung anu ano pa…HINDI BA!!!?TAMA??? Noong recognition namin, ang alam ko ay 3rd Honorable mention lang ako pero nung tawagin yung Girsl Scout of the Year, hindi lang ako yung nagulat pati yung Salutatorian namin, kasi pangalan ko yung tinawag, lahat kasi ata nung nandun ay akala sa kanya dapat yung certificate na yun, eh anung magagawa ko kung pangalan ko yung nakasulat sa certificate. Pero Bakit nga ba hindi sya samantalang sya ang leader ko sa girlscout camping naming noon, mas matalino sya sakin, mas sya at mas pa…Bakit ako? Kasi ako lang naman yung girl scout na nandaya sa isang activity nung camping dahil pinapalitan yung mga sagot ng kagrupo ko na puro mali, Yun yung Girl Scout Law…sampu yun na dapat isulat ng sunod sunod…Magaling ako sa memorization noon, ako yung una kaya malamang tama yung number one pero yung mga sumunod dun puro mali na, e ayokong matalo kami kaya ayun dinaan sa daya…e bawal, malamang pandaraya…ayun disqualified kami, yun rin yung dahilan kung bakit most active girl scout ako..(tawa)…Salamat  kay Mam Sumalinog, dahil sa kanya ako yung Girl scout of the year.(tawa)

Ang sumunod na araw ay pag-aantay na sa graduation namin. Isa sa mga natutunan ko sa buhay is that graduation is not an end; rather it is a beginning of bigger and more challenges to face. Nevertheless, you should not be discouraged by such challenges. I strongly believe that education is a very important ingredient in shaping a person’s future. It is a lifetime process; it began when you were born and it will continue for the rest of your lives.

Kung ano ako ngayon at kung nasaan ako ngayon, lahat ng yun ay dahil sa edukasyong nakuha ko at sa mga taong nagtuturo at gumagabay sa akin lalo na sa pinakamahirap na parte ng buhay. Hindi kami mayaman, sa katunayan dati kaming nakatira dyan sa giilid ng riles ng tren. Ang bagay na yan, kung saan ako nangggaling ay ipinagmamalaki ko at di ko ikinahiya kahit kanino, bakit? Dahil napatunayan ko na hindi dahil mahirap kami, sa gilid ng riles ng tren nakatira ay hanggang dun na lang talaga. Nakapagtapos ako ng elementary at high school, Madalas ako noong walang baon at kung minsan ay nanghihingi ng bondpaper  at papel, naghihiram ng lapis at ballpen sa katabi at kung minsan din ay nangungutang pa. Kapag inaabot pa nga ng hiyang manghiram sa kaklase para ipambili ng pagkain ay matutulog na lang kapag recess kapag tinanong, ang isasagot na lang ay “Napuyat kasi ako e, mamaya na lang ako kakain” with matching acting pa yun para convincing..(tawa)

Proud akong sabihin na simula elementary hanggang maka-graduate ako ng college ay scholar po ako. Scholar ako ng simbahan noong elementary at high school at scholar ng St. Paul University Manila naman noong nag-college. Hindi ko ito sinasabi para magyabang o anu pa man, gusto kong ma-inspire kayo dahil sa kabila ng mga bagay na wala ako ay masasabi ko na nakamit ko na ang mga bagay na gusto ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag ikaw mismo alam mo sa sarili mo dahil sa tyaga at paghihirap mo ay nakapagtapos ka at unti unting tinutupad ang mga pangarap mo. Dahil sa mga naranasan ko, marami akong natutunan, unang una na na ang lahat ng bagay, kung gugustuhin mo lamang ay kaya mong makuha. Walang hindi maari sa galing at talino ng tao.

Graduation ko ng high school ay ang araw din ng demolisyon ng tirahan namin. Umakyat ako ng stage at kunuha ang diploma ko ng walang nakatingin at nakakitang magulang, nakakalungkot isipin na isa sa pinakamahalagang araw mo, wala kang kasama ni isang miyembro ng pamilya mo, pero hindi naman doon matatapos ang lahat. Natutunan kong maging independent, matibay ang loob at magkaron ng tiwala sa sarili. Natutunan kong malaman ang mga bagay na dapat kong malaman sa sarili kong pagsisikap. May tiwala ako sa sarili ko kaya mayabang ako, mayabang ako pero alam kong may ipagmamayabang naman ako. Lakas loob. Ganyan ako lumaki pero hindi dahil sa ganyan ako pinalaki, natutunan kong maging malakas ang loob dahil sa mga taong nakakahalubilo ko..INDEPENDENT na ako bata pa lang. Hindi kami mayaman pero ayokong natatalo ng mayaman, minsan kasi mas marunong pa ang mahirap kesa sa mayayaman, nadadala lang ng pera nila ang mga bagay na meron sila…(wala akong pinapatamaan) ano sa palagay nyo!!?

Ang mga paghihirap at hadlang na kahaharapin ay magiging maliit na bagay na lamang kapag nalagpasan mo. Syempre, darating ang oras na mararaamdaman mo na parang gusto mong sumuko na. May mga pagkakataon katulad ng mararamdaman mong parang wala naming kasagutan sa mga tanong mo, walang solusyon sa mga problema at iisiping hindi naman kailangan ng paghihirap. Graduates, lagi ninyong tatandaan na laging merong sagot sa mga katanungan, solusyon sa problema at katapusan para sa mga paghihirap. Laging merong daan palabas, ang kailangan nyo lang gawin ay hanapin ang daan na yun, kahit ang pinakamaliit na karayom ay may butas pa rin naman, hindi ba?!! Ang mga bagay ay hindi mo makakamit ng ganun ganun na lang, lahat ng bagay pinaghihirapan. Always put in mind that you have the power to shape your future and that of the nation. Soon, you will be making your own decisions and I trust that they will not be only for your individual lives. At this point, let me impart to you some pieces of advice. These were some of the things that I have learned in my own journey and helped me attain my goals. First, always talk to God. Tell Him about your dreams and aspirations, your doubts and fears. If you are not yet sure about what you want to be in the future, ask Him. You will receive His response at the right time. Also pray that He will always give you the determination and strength to face challenges and achieve your dreams. Kesa humiling ng humiling ng matataas na grado sa exams,why not ask Him to give your patience that will allow you to persevere and endure those study nights? Second, have faith in yourself. Maniwala ka na kaya mong matupad ang mga pangarap mo. Maniwala ka na kaya mong baguhin ang mundo sa sarili mong paraan. Maniwala kang kaya mo. Alamin mo ang mga talento at kakayahan mo at maniwala kang bawat isa sa mga kakayahang meron ka ay importante Maniwala ka na kaya mong maka-create ng unlimited possibilities with your skills. Third, make mistakes but learn from them. Each failure is an opportunity to grow; it is nothing to be ashamed about. Treat your mistakes as valuable life lessons and continue moving forward. It does not matter how many mistakes you make in your life, what matters is how you use them to improve yourself. Fourth, share what you have learned. Impart your knowledge to other people. Help others develop their own talents and abilities, too. When you share what you know, you will be making a difference in people’s lives. Someday, at least one of you will also be invited to stand in front of graduates and give a speech. Tell them what you have learned and discovered in your lives, so that they can pass it on to future generations. Finally, enjoy. Enjoy your high school life—the time when all you would care about is how to look cool, the time when you would complain about Chemistry and Physics, and the time when you could possibly meet your first love. Enjoy your college life—the time for more serious studies, more stress and sleepless nights, and the time when you would regret not listening to your Chemistry and Physics teachers. Take pictures, laugh with your friends, and make the most out of your life. Always remember this quote from Mr Newton D. Baker, an American politician: The man who graduates today and stops learning tomorrow is uneducated the day after”.

For today, throw your graduation caps on air, kaya lang wala naman kayong caps (tawa) smile, enjoy and celebrate. For tomorrow will be much brighter and more joyful, for your lives are changed, are being changed and will be continually changing for the better because of the journey you are in –and that is Education. Enjoy yourself, and remember as Mother Teresa said, “Life is a promise; fulfil it.

Thank you so much!

Archbishop Maria Alfredo Aranda Obviar


Life of Archbishop Maria Alfredo Aranda Obviar, Lipa Batangas

Unang Obispo Auxiliar ng Lipa, Unang Obispo ng Lucena, Tagapagtatag ng Missionary Catechists of St. Therese

Archbishop Maria Alfredo Aranda Obviar, isang paring taga Lipa Batangas, kilala sa pambihirang talino at husay sa pagsasalita at pagbibigay sermon at turo ng simbahan. Isang pari na punong-puno ang kanyang diwa at ayon sa kanya ang lahat ng bagay sa buhay ng isang pari ay nakadepende sa pananampalataya dahil dito magmumula ang hangaring paglingkuran ang tao at ang simbahan. Walang ibang bukambibig kundi ang mabuting balita  ng ating Panginoong Hesukristo, ang kabaitan ng diyos, ang kabanalan ng diyos at ang pagmamahal ng diyos sa atin.

Si Alfredo ay nag-iisang anak nina Telesforo Obviar at Florentina Catalina Aranda. Ilang araw pa lamang nang maipanganak ay binawian na ng buhay ang kanyang ina dahil sa komplikasyon sa panganganak at ang ama naman ay kalaunay namatay din. Nang maulilang lubos ay inampon at pinangalagaan ng kapatid ng ina  na si Marta Aranda.

Maagang namulat sa relihiyon si Alfredo dahil sa pagpasok sa Jesuit Seminary ng San Francisco Javier noong 1907 at nang magtapos ng Liberal Arts sa Ateneo De Manila, ipinagpatuloy nya ang pagnanais na maging isang pari sa Seminaryo ng Sto. Tomas. Na-ordinahan sa pagkapari noong Marso 15, 1919 sa Katedral ng San Sebastian sa Lipa, Batangas.

Pagkatapos ma-ordinahan, agad na tinanggap ni Padre Obviar ang kanyang kauna-unahang gawain at destino bilang una at pinakabatang kura paroko ng bayan ng Malvar sa Batangas. Sa lugar na iyon ng Malvar ay kakaunti ang nasimba, kahit dadalawa lamang ang nagsisimba ay patuloy pa rin ang kanyang pagmimisa. Kung minsan ay sinesermonan nya ang dalawa o tatlong taong nakaupo at sinasabi na marahil ay nakikinig din sa kanya pati ang mga silya. Mahirap ngunit sumunod sya at hindi nagreklamo at umasa lamang sa probidensya ng diyos. Noong mga panahong iyon ay  walang reklamo ang mga kaparian. Kapag sila ay nagreklamo, sila ay nagrerebelde na, naroon ang tintawag na “Kasunuran” sa kanilang Obispo at sa simbahan.

Si Padre Obviar ay isang guro. Isang katekista mula pa noong siya’y batang pari pa lamang at ang kagustuhan sa Pagkakatesismo ay sinimulan nya doon pa sa baryo ng Luta na ngayon ay tinatawag ng Malvar sa Batangas. Una nyang ginawa bilang kura sa Luta ay ang mag-organisa ng mga tinatawag ngayong mga Programa para sa Kateketikal.

Isang paring naglilingkod na kung minsan ay nalilimutan na ang sarili para lamang sa kapwa. Nauunawaan ni Padre Obviar ang tunay na kahulugan ng pagiging isang kristyano na dapat ay iniiwan si kristo sa tahanan ng mga tao. Maging ang kanyang homilya ay may katesismo, may mga doktrina at mga aral ng simbahan. Ito ay isa sa pinakamahalaga sa buhay ni Padre Obviar, ang pagtuturo ng katesismo, dahil ayon sa kanya dito mahuhubog ang mga tao upang maging isang mabuting kristyano. Sinasabi nyang mangmang sa kaalaman tungkol sa Diyos ang mga kabataan, at kaya kakaunti ang nagsisimba ay hindi nila alam ang tungkol sa Panginoon at paano malalaman kung walang magtuturo. Isa pa sa mga sinasabi nya kaya hindi mapamahal ang mga tao sa Diyos at malayo sila sa simbahan ay dahil sa kahiya-hiyang kamangmangan ukol sa pananampalataya. Noon pa mang mga panahon na yun nasa isip na ni Padre Obviar ang Integral Evangelization.

Pinakasentro ng buhay ni Padre Obviar ay si Kristo at ang bunga nito ay ang kanyang pagkakatesismo. Ang kanyang pangangaral ay naging madalas at masidhi kung kayat siya ay naging popular sa mga tao. Maging sa bayan man o baryo ay dala dala niya ang kanyang bagong sistema ng Katesismo: ang tanong at sagot, kanta at dalangin, tiket at papremyo katulad ng mga gamit sa eskwela. Ang malakas na tinig niya ay agad na pumupuno sa kabuuan ng munting simbahan ng Immaculada Concepcion sa Malvar. Ang halos pahiyaw na pangangaral nito ay malugod pa ring tinatanggap ng kanyang tagapakinig. Nang mga panahong iyon ay wala pang mga de-koryenteng gamit kaya gamit nya ang lakas ng kanyang boses sa pagtuturo. Ang patuloy na kasipagan at masiglang paglilingkod niya ay hindi nakaligtas sa kaalaman ni Obispo Alfredo Verzosa, ang ikalawang Obispong Residensiya ng Lipa.

Nang Makita ni Obispo Alfredo Versoza na binabago ng  paring ito  ang buong bayan ng Luta, dinala sya sa Lipa kung saan naging Kura Paroko ng katedral. Pagdating doon ay ipinagpatuloy ang sinimulan sa Luta. Ipinalaganap ang katesismo sa buong diyosesis. Ngunit hindi doon huminto ang hangarin ni Padre Obviar na mapalaganap nang husto ang pagtuturo ng Katesismo. Ipinahayag niya kay Obispo Verzosa ang kanyang kagustuhang makarating sa malalayong bayan at mga bukirin ang pagtuturo ng katesismo. Sinasabi nya na kung hindi makakapunta ang mga tao sa simbahan dahil walang pamasahe at mga dukha, dalhin ang simabahan sa kanila.

Ang kagustuhan nya sa pagtuturo ay naging dahilan upang tumungo sa iba’t ibang baryo ng Malvar at tinawag itong Bisita Pastoral. Ito ay ang pagpunta sa malalayong lugar at kinakausap ang mga tao, nagkakatesismo, nagpagpapakumpisal at nagdiriwang ng banal na misa, dito nakikita ni Padre Obviar ang pag unlad ng pananampalataya ng mga tao at dun nya rin nakikita ang gawain ng kaparian. Nabatid ni Padre Obviar na sadyang malaki ang kakulangan sa mga pari at seminarista upang tugunan ang pagkauhaw ng mga tao at kabataan sa Salita at Aral ng Diyos kaya naman sinimulan nyang hubugin ang ilang mga laiko upang makatulong sa pagtuturo ng katesismo at hindi naman sya nabigo sa hangaring ito. Sa loob lamang ng maikling panahon ay umabot sa mahigit na tatlong daang boluntaryong katekista ang nahubog. Ganoon na lamang ang kaligayahan ng mga pari at seminarista na katuwang ni Padre Obviar sa kanyang mga gawain upang tagumpay na maipalaganap ang katesismo sa kanyang nasasakupan. Kumuha sya ng mga katekistang sya mismo ang nagturo kung paano ang pagtuturo ng mabuting balita sa mga bata at matatanda nang sa gayon ay maakay patungo sa simbahan at sa Panginoong Hesukristo.

Tuwing linggo, sa pagtugtog ng kampana sa ikalawa ng hapon, ang mga bata ay parang hinihilang papunta sa katedral kung saan naghihintay ang mahigit isang daang katekista na hinubog muna ni Padre Obviar. Sa muling paghatak sa kampana, hudyat ng ikatlo ng hapon, ang mga bata ay sabay sabay na inaakay ng mga katekistang lalaki at babae papasok sa simbahan, bawat bata ay may tig-iisang katekista. Umuugong ang katedral na parang isang dambuhalang paaralan. Kasabay na magiliw na pakikinig ay ang taimtim na pagninilay ng mga aral. Hindi rin maalis ng mga batang nakikinig ang pagsulyap sa nakaitim na sutanang lumilibot sa paligid. Halos lahat ng bata ay nag-aabang sa paglapit ni Padre Obviar upang makapagtanong sa kanya.

Ang pagiging madasalin at ang labis niyang debosyon sa Banal na katawan at Dugo ni Kristo ay hindi na lingid sa kaalaman ng kanyang mga nakakasama. Ang panalangin ang sandigan ng kanyang pananampalataya at nagpalalim ng kanyang espiritwalidad.

Ang di pangkraniwang kasipagan at kabanalan ni Padre Obviar ay muling napansin ng Obispo Verzosa kaya’t itinalaga niya ito bilang Bikaryo Heneral ng Arsidiyosesis ng Lipa. Mula noon, ang pangalang Padre Obviar ay naging Msgr. Alfredo “Maria” Aranda Obviar. Kaya naman di nagtagal binansagan si Msgr. Obviar ng mga kasamahang pari bilang “Manong”.

Pagkaraan ng dalawampu’t limang taong paglilingkod, iniluklok ni Papa Pio XII si Msgr. Alfredo Obviar bilang Obispo noong Hunyo 29, 1944 at naging kauna-unahang Obispo Auxiliar ng Arsidiyosesis ng Lipa. Sya lamang ang paring naordinahan bilang isang Obispo sa panahon ng digmaan.

Lalong dumami ang tungkulin at pananagutan ni Obispo Obviar upang patatagin ang simbahan, habang lumalawak ang kanyang karanasan ay nag-iipon din siya ng kabanalan, karagdagang dunong at banal na karanasan ng isang Pastol na babaunin niya sa susunod pang destinasyon.

Tulad ng sinumang tao, ang sinulid ng buhay ni Obispo Obviar kung minsan ay lumulundo-lundo rin at kung minsan ay  nahahagip ng hangin, bumabagsak at napuputikan. May mga pagkakataong nahihirapan sa tungkulin, hindi parating tagumpay at hindi parating masaya. Isa sa mga hirap na ito ay ang pag-akay nya sa mga tao patungo kay kristo.

Ang pinakamatinding pagsubok na naranasan ni Obispo Obviar ay ang aparisyong naganap sa isang Carmelita na diumanoy pagpapakita ng imahe ng Mahal na Birheng Tagapamagitan ng lahat ng biyaya. Bilang chaplain at confessor ng mga madreng Karmelita, nakita nya ang nasabing aparisyon at naniwala. Ang di pagsang-ayon dito ng mga Obispo at iba pang kaparian ay naging matinding dalahin nya sa buhay. Nagtatag ang simbahan ng komisyong binubuo ng mga Obispo  upang pag-aralan ang mabilis na kumakalat at nagiging paksang usapan ng maraming taong malapit at dumarayo sa nasabing Monasteryo ngunit napagdesisyunang hindi paborable sa mga pangitain sa Karmel. Walang nagawa ang simbahan kundi ang patahimikin ang kwento. Dahil sa kanyang kababaang loob, ang banal at masunuring Obispo Alfredo Maria Aranda Obviar ay tumalima sa kautusan ng Komisyon nang buong puso’t kaluluwa, ganap at hanggang katapusan. Nagtiis na tumahimik ayon na rin sa utos ng simbahan. Sinunod ang kagustuhan ng mga nakakataas, nanahimik at hindi nagreklamo, hindi ipinaglaban ang paniniwala at hindi ipinagtanggol ang sarili bagkus ay sumunod sya. Kasunod ng pananahimik na ito ay ang pagkalipat sa kanya sa ibang diyosesis bilang isang Administrador, hindi nagtanung man lang o nagreklamo bagkus ay sumunod sya. Napakatagal nyang nagsilbi bilang isang Administrador ng Lucena.

Lahat ng naisin at misyon ni Obispo Obviar ay hindi napigil at hindi nahadlanagan ng aparisyong nangyari.  Ipinagpatuloy nya ang kanyang mga gampanin kabilang na dito ang pagkakatesismo at pangangaral sa mga bata at matatanda maging  ang pagbibisita pastoral. Ipinagpatuloy nya sa Lucena ang mga programang nagawa nya sa Lipa Batangas at kalaunay nag-organisa ng Kongreso para sa pagkakatesismo. Hindi kinakitaan ng galit o tampo bagkus ay nagpakababa at kung may mga sentemiento man syang naramdaman ay itinago nya lamang ito sa kanyang sarili at ipinagdasal. Sa kabila ng katalinuhan at karunungan, nagpaubaya sya sa kagustuhan ng nakakataas. Buong puso at kaluluwang tumalima sa kautusan. Ang alay niyang buong pusong pagsunod sa kalooban ng Diyos at ng Simbahan ay sarili niyang paraan tungo sa kanyang kabanalan.

May tanging pitak sa kanyang puso ang mga mahihirap na tao. Maraming natulungan hindi lamang sa pang-araw araw na pangangailangan kung hind maging pang espiritwal na kalagayan. At nagpatuloy ang gawain nyang ito maging hanggang sa kanyang katandaan. Hindi nagsasawang magbigay ng sarili sa pinakamaliit na bagay na magagawa nya.

Isang paring ang buhay ay nasa pagdiriwang ng sagrado liturhiya. Istrikto sa maraming bagay lalo na sa mga pari. Kinatatakutan ng mga seminarista. Nahubog sa pormasyon ng mga kastila kaya naging natural sa kanya ang pagiging istrikto  ngunit nandodoon yung  kanyang kabaitan  sa paraan ng paggalang sa karapatan ng mga tao na kung saan ay palagi nyang binibigyan diin  sa mga kaparian  na ang mga tao  ay ipinagkatiwala sa kanila. Kanyang sinasabi na hindi maaaring kumilos ang simbahan kung walang pari.sapagkat itinuturing na ang pari ay ang kamay ni Kristo at tagapagpatuloy ng Gawain ng simbahan. Dahil dito ay nagtayo ng seminaryo noong 1951 at tinawag na St. Alphonsus de Ligouri Seminary sa Lucena, layunin nitong lalo pang paramihin ang mga kaparian. Hindi nawawala ang pagpapaalala sa mga kaparian kaya naman palaging may Sulat Circular na ipinapadala sa bawat parokya kung saan nakalathala ang mga nais nyang mangyari at gawin ng pari katulad ng Pagbabanal na Oras. Para kay Obispo Obviar, ito ay isang mahalagang gawain para sa kanya na dapat at kailangang gawin ng mga kaparian, ang paglalaan ng isang oras para sa Diyos. Kanya ring sinasabi na ang gawain ng mga pari ay hindi nila gawain kundi gawain ng diyos.

Nabatid ni Obispo Obviar ang kakulangan sa mga magtuturo ng katesismo, lalo na sa mga boluntaryong laiko na dahil nakapag-asawa na ay hindi na aktibo sa kanilang gawaing pagkakatesismo. Naramdaman nya na ang pananampalataya ng mga tao ay lumalamig kaya naman itinayo nya ang Missionary Catechists of St. Therese of the Child Jesus   (MCST) upang mas higit na maipagpatuloy ang kanyang simulain. Sa pagtatayo ng MCST, binigyang diin ni Obispo Obviar kung papaano ang simbahan at ang diyos ay maiintindihan at mamahalin ng ordinaryong tao at sa pamamagitan nito ay maipagpapatuloy ang gawain ng simbahang Katoliko.

Mahigit sampung taong nanatiling Tagapamahalang Apostoliko si Obispo Obviar, matapos ay naibalik muli sa pagka-obispo, sa pagkakataong ito ay  Obispo ng Lucena kung saan pinahalagahan ang kalagayan ng mga mahihirap na parokyano dahilan upang magtayo ng Ospital na tinawag na Mount Carmel Hospital. Layunin nito na bigyan ng libreng serbisyo ang mga taong salat sa pangunahing pangangailangan lalo na ukol sa kanilang kalagayang pangkalusugan. Ang ospital ng Mt. Carmel ay itinayo rin para sa pangangailangan ng mga kaparian.

Nagsimulang humina ang pangangatawan ni Obispo Obviar dahil sa sakit na Parkinsons. Dahil sa kanyang karamdaman ay regular na dindalaw ng kanyang mga kamag-anak. Dahil na rin sa katandaan at  unti-unting paghina ng kanyang katawan, sa edad ng walungpu’t pitong taong gulang ay kinailangan niyang magretiro na sa pagiging Obispo at manatili sa bakuran ng MCST.

Oktubre 1,1978 kapistahan ng kanyang minamahal na Patrona Santa Teresita ng Batang Jesus  nang tawagin si Obispo Obviar sa kabilang buhay. Ang araw ng kanyang pagpanaw ay maituturing na isang magandang koronang ipinutong sa kanya. Sa edad na walumpo’t siyam, si Obispo Alfredo Maria Aranda Obviar ay sumakabilang buhay na.

Malaking kawalan man para sa mga taong napaglaanan ng buhay, ngunit ang alaalang naiwan niya sa animnapu’t isang taong pamamalagi at paglilingkod sa Batnagas ay hinding hindi makakalimutan ng mga taong kanyang nakasama roon. Gayundin, ang dalawampu’t walong pamamalgi at paglilingkod sa Lucena, ay isang magandang karanasang paulit-ulit nilang ginugunita. Sapagkat ang masigla at mahusay niyang pagtupad bilang tunay na lagad ng Diyos ay patuloy pa ring nadarama at nakikita ng mga tao hanggang sa kasalukuyan.

Ito marahil ang isa sa malaking hiwaga sa buhay ng banal na taong si Obispo Alfredo Maria Aranda Obviar. Hindi pangitain, hindi talulot ng rosas ang milagro ng paring ito. Bagkus, ang handog niyang buong pusong pagsunod sa kalooban ng Diyos at ng Simbahan sa kanyang pamamaraan ang tunay na nagpabanal sa paring ito at pamana sa ating lahat. Dahil na rin sa mga ito ngayon ay nasa proseso ng Beatipikasyon at naideklara na bilang isang Servant of God at patuloy ang pag-aaral sa kanyang buhay nang balang araw ay maideklara na bilang isang Santong Paring Pilipino.

 

 

%d bloggers like this: