Ang Tanga, Bow!


Image
Sa Litrato lang ako mukhang Tanga

June 2, taong 2012

Nag-umpisa ang araw ko ng ala-sais kinse. Bago bumanagon ay nakangiti dahil sa ganda ng panaginip. Naligo. Nagsipilyo at Nagbihis. Naglagay rin ng konting kolerete sa mukha para naman magmukhang maayos sa paningin ng iba. At ayun, handa na para sa coverage ng MAGPAS na ginanap sa Paco Catholic School.

Bago nagsimula ang talk ni Archbishop Chito Tagle ay nagrosaryo pa at pagkatapos ay nagmisa pa. Bilang isa sa Media na magko-cover ng event, syempre nakimisa na rin kami. Baka makalimutan ko kasama ko si Kuya Roberto Bahia na dapat ay si Jigoo Santos pero nagkasakit na raw kaya nagpa-substitute na lang.

Ala-siete ng umaga, all set, ready to go! Karga at karga ulit ng mga equipments para sa coverage. Naka-alis ng office 7AM at nakarating sa location ng 7:38. Nag-seset up si Kuya Robert, ako naman bumili ng pagkain para sa almusal. Kain-kain muna tapos balik na ng auditorium.

Umpisa pa lang ng araw ganado na ko kaya nang mag-umpisa ang talakayan na pinamunuan nina Father Gerry at Doktora Gains ay naka-full attention ako. Parang open forum ng lahat ng Lay at Katekistang nandoon tungkol sa nakaraang topic ng MAGPAS, the signs of the times. Kung di nga lang ako part ng Media e magse-share at magkokomento rin ako sa topic na yan kaya lang medyo nahiya ako dahil kami na ang nagko-cover tapos mukha ko pa ang makikita di ba.

Nagsimulang magsalita si Abp. Tagle sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung anong ibig sabihin ng pangalan nya. Napakaganda ng topic pero nakalimutan ko. Basta tungkol sa Espiritu Santo.

Natapos kami ng coverage ng alas-dose kwarenta y otso na, kasama na dun ang pagkain ng tanghalian. Tapos ay balik na ng office.

Asan ang pagiiging tanga dun? Eto malapit na.

Pagkabalik ng opisina ay tumapat ako agad sa laptop na walong buwan ko ng pinag-tyatyagaang gamitin dahil walang maibigay sa akin na computer mismo na magagamit kahit merong apat na nakabakante. Masakit na sa mata, kalyo pa ang abot sa kamay. Tinatapos ko ang script na dapat di naman ako ang gumagawa dahil Segment producer ako hindi Scriptwriter pero masarap namang magsulat lalo na kung walang nangengealam, yun bang parang asungot na binabantayan lahat ng ginagawa mo.

Ito na, Sa litrato lang ako mukhang Tanga.

Diskusyon ng dalawang staff:

Sya: Tapos ko na tong script, seven minutes.

Ako: Ha? Docu-drama ito, 1hour. Yang seven minutes mo from start to finish na? Kulang yan.

Sya: Bakit 1 hour? ang haba naman masyado nun.

Ako: Dahil 1 hour talaga ang program na to.

Sya: Tingnan mo muna at basahin.

Ako: Sige, pa-share na lang po sa network at babasahin ko.

(habang binabasa, SYA tumayo sa likod ko at AKO nagha-hiighlight ng ibang linya sa script na ginawa nya)

SYA: Bakit hina-highlightan mo?

AKO: Later, I’ll tell you.

SYA: Yabang nito, pwede namang pagkatapos na basahin saka mag-comment e.

(pagkatapos ng ilang minuto)

AKO: Ok, tapos ko na basahin.

SYA: Oh, ano?

AKO: Kulang yung ginawa mo pero ok naman sya. Wala yung pinaka-start ng story, nagsimula ka sa climax na ng story kaya Seven Pages lang. Kailangan natin malaman ang buong istorya ng kwento. Paano nagsimula, ano ang simula, bakit nagsimula at saan nagsimula. Stepping stones nya, inspirations bago sya pumasok sa ganoong bokasyon saka tayo papasok sa ginawa mo.

SYA: e di parang autobiography ang labas ng programa? Ano ba ang treatment nito?

AKO: Not necessarily an autobiography pero kailangan kasi lahat ng detalye ay nandon.

SYA: OO nga. pero ang punto ko ay kung ako ang manonood nito, maboboring ako dahil iisa lang ang format. Kelan sya pinanganak, anong kinalakhan, mga ganun ba na parang di naman kailangan nang isama. Naiintindihan mo ba ako?

AKO: Opo, pero hindi naman kinakailangang parepareho ang format/treatment. Kailangan ipakita natin ang simula bago ang katapusan.

SYA: Oo nga. Ang sinasabi ko ay kung sa isang series ay ganun ng ganun ang treatment. Hindi ako maakit para manood dahil predictable naman na eh. Kaya ko nang sabihin kung anong mangyayari sa susunod bakit pa ko manonod di ba?

AKO: Depende naman po yan sa scriptwriter, nasa kanya na yan kung pano nya gagawing di boring ang istorya.

SYA: Hay, naku. Kasi nga.

AKO: Napanood nyo po ba yung BANAL, story ni Pope John Paul II. Actually kung titingnan, parang autobiography yun, pero ang ganda di ba. Sinimulan sa pagkabata, stage by stage pero ang ganda.

SYA: Oo, napanood ko. (arms open) HAY, SA WAKASNAGBIGAY KA NG EXAMPLE AT NAINTINDIHAN MO DIN KUNG ANONG SINASABI KO, SALAMAT NAMAN. Yan ang punto ko, maganda kasi isa lang yun pero kung isang series hindi na maganda.

AKO: Ha? Scriptwriter na po ang may problema nyan. Di naman ako ang scriptwriter nito eh.

(wala na akong nasabi, yun na lang)

SYA: Oo nga!

END.

Sa kinahaba-haba ng usapan, mukha pala akong tanga dahil di ko naintiindihan ang sinasabi nya. Pambihira. Sa litrato lang ako mukhang tanga.

Hay!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s