“AKO PARA SAYO”


Lahat ng tao may kanya-kanyang personalidad, katangian, at pag-uugali. Maaaring nakuha nya mula sa kanyang pagkabata o maari rin na mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang tao mabilis matuto, mag-isip at gumalaw kung nanaisin nya lamang, mabilis makasabay sa agos ng buhay. Walang maituturing na bobo o tanga dahil lamang sa hindi nakapag-aral sapagkat lahat tayo ay binigyan ng kanya-kanyang kaalaman ngunit nasa sa atin na lamang iyon kung ito’y ating papag-ibayuhin o hahayaang mabulok sa sarili.

Sino nga ba ako? Kilala ko ba sarili ko?

Ito ang sagot ko:

Ako ay binigyang ng pangalan ng magulang ko na Michelle kasi kwento ng papa ko, may suki raw sya noon ng halaman (Nagtitinda ng halaman ang papa ko) at may anak na Michelle, ito raw ay mabait, matalino at hindi sakitin, kaya noong pinanganak ako ng mama ko, pinangalanan ako ng papa ko ng Michelle. Pero parang talino lang ata ang nagkatotoo sa mga gusto nya, hindi kasi ako mabait at lagi akong may sipon o kaya naman ay ubo. Marunong ako higit pa sa pagiging matalino. (Yabang 🙂)

Yan ang kwento ng pangalan ko. Sa pangalan maari mo nang makilala ang isang tao at mailarawan.

Halimbawa:

-Uy, kilala mo ba si Toyang?

-Ah, si Toyang, naku maldita yang babae na yan. Masama ugali nyan at bastos.

Oh, di ba, pangalan pa lang marami nang nasabi tungkol sa kanya. Mahalaga ang pangalan dahil ito ang magiging pagkakakilanlan sa atin ng lahat ng tao.

Moving on:

Bata pa lang ako, natuto na akong tumayo sa sarili kong paa (Independent ba!!!) Madalas ayoko ng may nagtuturo sakin, ayoko ng sinesermonan at pinagsasabihan, ayoko ng pinangungunahan (Feeling ko kasi magaling ako, hahah) at nasanay din ako na ako ang nagdedesisyon para sa sarili ko, masarp mabuhay ng ganun pero minsan malungkot din kasi mas madalas kang mag isa.. Hindi ako mabait pero minsan mabuti naman ako, yung minsan na yun, MINSAN lang talaga. Kaya kong madiskubre ang mga bagay-bagay na di ko alam at matutuhan iyon sa sarili kong paraan, mayabang kasi ako kaya ganyan. Wala akong pakialam sa mga sasabihin ko sa iba, hindi ko iniisip kung masasaktan ba sila o magagalit sa akin dahil sa mga salitang bibitawan ko, in short WALA AKONG PAKIALAM sa kanila.

Ayon sa isang taong pinakamahalaga sa buhay ko at feeling ko sya yung taong lubos na nakakakilala kung sino talaga ako. Hindi ko tinanung sa kanya kung anung klaseg tao ako pero ito ang sabi nya at ang paliwanag ko.

AKO RAW AY:

Masyadong Liberated (“a liberated lifestyle”) Naniniwala kasi ako na hindi ako baduy pero di ko sinasabing ang pagiging conservative ay baduy, hahah. Siguro Liberated in a way na, kaya kong suotin kahit anung klaseng kasuotan, maiksi, mahaba at maiksi ulit, hahaha:) Wala akong malisya kahit yung mga nakakakita ay meron, again WALA AKONG PAKIALAM. Madali akong makasunod sa panahon lalo na pagdating sa fashion,minsan naman nag-eexperiment ako kapag gusto kong maiba para mapansin..hahaha

Maldita- Kung ayaw ko sayo, ayoko talaga,walang second chance para gustuhin kita, pumapatol ako sa mas matanda sa akin o matanda talaga, kahit pari, madre  o professor ka pa o kahit bakla pa. Kapag alam kong may punto ako, bakit ako matatakot na hindi lumaban o magsalita, karapatan ko naman yun. Hindi dahil mas matanda ka e ikaw na yung tama. Minsan dapat binibigyan din ng leksyon ang mga mas nakakatanda na dapat malaman nila na hindi sa lahat ng oras ay tama sila. Madalas akong magtaray pero minsan hindi naman ako aware na mataray na pala ako. Maldita ako lalo na sa mga taong walang kwenta, yun bang walang magawa sa buhay kundi mang-istorbo lang. Susungitan kita kapag makulit ka at dugyot ka lalo na kapag amoy lupa ka.

Mayabang- (mean to speak with pridemay tiwala ako sa sarili ko kaya mayabang ako, haha…mayabang ako pero alam kong may ipagmamayabang naman ako. Lakasan lang din ng loob. Ganyan ako lumaki pero hindi dahil sa ganyan ako pinalaki, natutunan ko lang maging malakas ang loob dahil sa mga taong nakakahalubilo ko..INDEPENDENT ako bata pa lang at masaya akong naging ganun ako.:) Hindi kami mayaman pero ayokong natatalo ng mayaman, minsan kasi mas marunong pa ang mahirap kesa sa mayayaman, nadadala lang ng pera nila ang mga bagay na meron sila…(wala akong pinapatamaan)

Straightforward (straightforward in means or manner or behavior or language or action; “a direct question”; “a direct response”; “a direct approach”) kung anong nakikita kong mali o tama, maganda o hindi, sinasabi ko. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao. Madaldal ako pero may laman naman ang sinasabi pero depende sa kausap ko. Kung non-sense sya kausap eh di nonsense din ang sagot ko o kaya naman kung wala talagang kwenta, TANGO na lang, Period. Minsan hindi ko na iniisip kung maganda ba ang sasabihin ko o hindi, nakaka-offend o hindi. Dahil nga may pagkamadaldal ako, minsan hindi ko na makontrol ang bunganga ko. Pero totoo ako at prangka, bahala ka kung magagalit ka o maiinis, pwede ring ma-offend, nasa sayo na yun.

Demanding-(requiring more than usually expected or thought due)  madalas akong mag demand dahil iniisip ko na marunong nga ako at magaganda ang ideya ko, hindi ako OO lang ng OO sa mga bagay na nakikita ko lalo na kapag ayoko. Madalas hindi ako nakokontente sa simpleng bagay lang lalo na kung alam kong pwede namang yung mas maganda, mas maayos at mas magaling pa kesa dun sa simple lang. 

Maarte(giving careful attention to detail; hard to please) hindi ako appreciative na tao kahit na ikaw pa ang pinakasikat o pinakamaganda sa paningin ng lahat. Mapili ako pagdating sa damit, pagkain at mga bagay na dapat gawin. Maarte ako pero naiinis ako kapag may mas maarte sa akin na kaibigan ko, haha. Maarte ako pero hindi ako pa-importante. Ayoko ng laging nale-late at maraming excuses. Hindi ako makapal mag-make up yung tama lang na hindi ka mag-mumukhang clown at pokpok na pagtitinginan ng mga manyak na lalaki kapag naglalakad sa kalye.

Palengkera- nasa dugo ata ng mga bicolana ang mabilis magsalita. Mabilis ang utak ko pero mas mabilis ang bibig ko. Marami akong naiisip kaya kung anu-ano ang nasasabi ko. Marunong din akong makipag usap kahit Vice Mayor ka pa ng Carcar Cebu, haha:) hindi ako mahiyain lalo na na alam kung may ibubuga naman ako kahit papano :). Nakapag aral ako at marunong ako kaya bakit ako patataob lang sa kung sino.. Di ba?!!

Pakawala-  dahil nga nasanay ako mag-isa, nagagwa ko kung anong gusto ko pero alam ko kung hanggang saan lang ang limit ko. Nahihirapan akong sabihin at intindihin kung bakit nasabi nyang Pakawala ako siguro kasi nga liberated ako. Pakawala sa paraang walang pakialam kahit kanino, pakawala hindi dahil sa kung sinu-sino ang lalaking nakakahalubilo. Hindi ako easy to get maliban na lang kung mayaman ka at sobrang gwapo tapos nagkagusto ka sa akin di ba..may mga considerations din naman ako..wahahah!

Bakit ko ginawa ito?

Para malaman ko kung bakit ganun ang tingin ng karamihan sa akin at para malaman din nila ang dahilan ko. Natutuwa ako kapag ganyan ang description nila sa akin kasi iniisip ko na hindi lang ako pangkaraniwan na di napapansin ng tao. Masarap din kasing pagnilayan ang sarili para mas makilala mo at malaman  kung anong mga pagbabagong nangyayari sa sarili mo.

IKAW ANO SA TINGIN MO ANG TINGIN SAYO NG IBANG TAO? 🙂

Advertisements

About Michelle Maldo Peñarubia
I am not weird, I am just one of a kind creature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: