Caritas Damayan sa pananalasa ng Bagyong Maring


SIMBALITA: Caritas Damayan sa pananalasa ng Bagyong Maring

Sa mahigit limang araw na pananalasa ng Bagyong Maring at hagupit ng Hanging Habagat, bunga nito ay ang pagkasira ng ikinabubuhay ng maraming tao at ang pagkawala ng mga tahanang nalubog sa tubig buhos ng walang tigil at matinding ulan.

Naapektuhan man ng matindi ang karamihan sa ating mga kababayan sa nangyaring unos na ito, hindi pa rin nawawala sa bawat isa ang ugaling Pagtulong at Pagbibigay higit lalo sa mga taong lubos na nangangailangan.

01Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang suporta ng Simbahan sa pamamagitan ng mga donasyon, pagrerepak at pamimigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta at ng mga tumutuloy sa inilaang Evacuation Center sa kani-kanilang lugar.

Isa sa mga Institusyong walang patid ang pagsuporta sa mga taong ito ay ang Caritas Manila. Sa pamamagitan ng kanilang programang Caritas Damayan, naipapahatid nito ang tulong sa iba’t-ibang lugar kung saan may higit na nangangailanagan.

Ayon kay Ms. Gilda Avedillo, “Ang Caritas Damayan, it is a Disaster Risk Reduction and Management Program of Caritas Manila, 2009 initially nag-start dahil sa Typhoon Ondoy. Objective ng program na ito is to be prepared and to make the community resilient. Marami po tayong volunteers, mga YSLEP Scholars, Youth, Seminarista at students. Naghahatid po tayo ng tulong hindi lang sa Manila, kasama po yung outside Manila. And from Preparation to Distribution, dapat it would last at least Four days, kailangan kasi na at least may maibigay tayong initial na tulong sa mga lugar.”

1175489_572508686146663_961733542_n

Parish Social Services & Development Ministry Pssdmshjp

Ang Pagmamahal ay Pagbibigay, yan naman ang isa sa pinanghahawakan ng isang Volunteeer na sa kabila ng hirap na naranasan sa bagyong dumating, at kahit sa kanilang lugar mismo ay kita rin ang taas ng tubig na lumilibot sa kanilang tahanan, hindi ito naging hadlang upang mag-alay ng kanyang serbisyo sa pinakamliit nitong makakayanan.

Ako po si Nico Tenorio. Nag-volunteer po ako dito dahil gusto ko pong makatulong sa ating mga kababayan. Nagsimula kami noong Lunes, Agosto 20 hanggang Biyernes, Agosto 23. Dito na kami [Caritas Manila] nag-stay at nasa mga 300 po kami na nagtutulungan. May tagalagay ng bigas, De Lata at iniipon hanggang maihatid sa mga tao. Bukal po sa aming puso na tumulong  na walang hinihinging kapalit.”

1235009_572507642813434_405980598_n

Parish Social Services & Development Ministry Pssdmshjp

Ang pagsasakrispisyo at pagsisilbi para sa ikabubuti ng mga taong nangangailangan ay maituturing na isang dakilang gawa. Anumang unos ang dumating basta’t may pagkakaisa, hindi malabong malagpasan ang pagsubok na ito at muling makabangon upang maipagpatuloy ang buhay na ibinigay sa atin ng Poong Maykapal. Yan ay ilan lamang sa mga katangiang ipinakita ng karamihan sa ating mga kababayan, na sa harap ng matinding pagsubok ng buhay ay patuloy ang pagtulong at pagbibigay na hindi iniisip ang ikabubuti ng sarili bagkus ang ikabubuti ng nakararami.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,329 other followers

%d bloggers like this: